Michelle Dee hinakot ang anim na special awards sa MU Philippines 2022 prelims

Hindi nagpaawat ang aktres at modelo na si Michelle Dee sa pagtanggap ng pinakamaraming special awards sa preliminaries ng Miss Universe Philippines 2022.

Ang beauty pageant titleholder, na kinoronahang Miss World Philippines noong 2019, ay umani ng anim na special awards: Face of Essentials by Belo, Miss Cream Silk, Miss Jojo Bragais, Miss SavePoint, Miss Kumuniverse at Miss Medical City.

Nagpamalas din ng magandang performance si Michelle sa preliminary swimsuit at evening gown competition. Patunay na isa nga siya sa mga frontrunners ng nasabing pageant.

Credit: Miss Universe Philippines/Facebook
Credit: Miss Universe Philippines/Facebook

Ayon sa report ng TV Patrol, hindi diumano inaasahan ni Michelle na makakakuha siya ng anim na awards sa prelimanaries.

“I didn’t expect to win six awards. Oh my gosh. I have nothing but gratitude in my heart. Overall I’m very proud of my performance.”

Bukod kay Michelle ay nakatanggap din ng tig-dalawang special awards sina Pauline Cucharo Amelinckx ng Bohol, Celeste Cortesi ng Taguig at Katrina Llegado ng Pasay.

Samantala, nanalo rin ng special awards sina Isabel Dalag Luche ng Mandaue City, Chantal Elise Legaspi Schmidt ng Cebu City, Angelica Lopez ng Palawan, Danielle Camcam ng San Juan, Lou Dominique Piczon ng Cebu Province, Gillian Katherine De Mesa ng Nueva Vizcaya at Ivylou Borbon ng Pangasinan.

Tampok din bilang hurado sa coronation night ang reigning Miss Universe 2021 na si Harnaaz Sandhu ng India.

Magiging host naman ng patimpalak sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, at Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow.

Kokoronahan ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ang kanyang kahalili sa coronation night na gagawin sa SM Mall of Asia bukas, Abril 30.

Si Michelle ay anak ni Miss International 1979 Melanie Marquez.

Share this article
Erie Swan