Rufa Mae Quinto aksidenteng napasama sa cast ng pelikulang “Barbie”

Tila aksidenteng napasama ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa lineup ng mga artistang bibida sa pelikulang “Barbie”. Kaya naman hindi napigilan ng mga netizens na magbigay ng nakakatawang reaksyon tungkol dito.

Ang pangalan ng aktres ay kasama sa lineup na inilabas ng Letterboxd, isang global community para sa mga mahihilig sa pelikula, nang i-tweet nito ang impormasyon tungkol sa pelikula noong Abril 27. Nakasaad dito ang premise at cast sa pangunguna ng Australian actress na si Margot Robbie.

Dahil dito ay nag-isip ang mga netizens kung lalabas ba sa pelikula ang “Booba” star, kahit na itinama ng Letterboxd ang pagkakamali sa pamamagitan ng Twitter page nito kahapon, Abril 28. Ang pangalan ni Rufa Mae ay tinanggal din nila sa litahan.

Ayon sa kanilang tweet, β€œ**Correction: Rufa Mae Quinto is not in the cast of Barbie. This has now been fixed. Our data is crowd-sourced via TMDb β€” occasionally there will be a few hiccups. Apologies for any confusion.”

Isa namang @stepisowild ang nagsabing siya ang naglagay ng pangalan ni Rufa Mae sa page.

Ayon pa sa kanya, β€œOMG it’s my jail era for putting Rufa Mae Quinto here.”

Hinikayat din niya ang mga netizens na gamitin ang #RufaMaeForBarbieMovie para magkatotoong maisama ang aktres sa pelikula.

Matapos iwinasto ng Letterboxd ang maling impormasyon ay kaagad namang dumiretso ang mga netizen sa Twitter para pagtawanan ang insidente.

Ayon ay @patrrickjey, “Tanggap ko na, Barbie, Ken, na wala na ko sa cast. Tanggap ko na na magiging mag-isa na lang ako sa buhay. Mag-aalaga na lang ako ng aso, pusa, at ng dagang costa. – Rufa Mae Quinto, Barbie (2023)”

Gusto namang ipabalik ni @user100412 ang pangalan ni Rufa Mae kaya ito nakapagmura.

Biro naman ni @ricci_richy, “You should include her. Use this as her audition piece.”

“What pinasaya mo lang ako ng sandaleng panahon. Kala ko pa naman barbie meets booba.” Tweet naman ni @ynasleeps.

Ang Warner Bros. Pictures ang unang naglabas ng first-look teaser para sa pelikulang “Barbie” sa pamamagitan ng Twitter page nito. Makikita na nakasakay si Margot sa isang pink na electric Chevrolet Corvette. Itinakda ang petsa ng pagpapalabas ng pelikula sa Hulyo 21, 2023.

Bukod kay Margot ay kasama din sa pelikula sina Ryan Gosling bilang boyfriend ni Barbie na si Ken, Will Ferrell, America Ferrera, Kate McKinnon, Emma Mackey, Hari Nef, Alexandra Shipp at Simu Liu. Si Greta Gerwig ang magdi-direk nito.

Share this article
Erie Swan