Hindi napigilang mag-react ng Filipino-American rapper ng Black Eyed Peas na si Apl.de.Ap sa mga post sa social media na nagsasabing sinusuportahan niya ang kandidatura nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte sa darating na eleksyon sa Mayo 9.
Mayroon kasing isang Facebook page na nag-post ng mga screenshot ng isang poster kung saan itinatampok si Apl.de.Ap bilang isa sa mga celebrity na sumusuporta sa BBM-Sara tandem. Mayroon ding clip diumano ng singer na nag-perform sa rally.
Ayon sa caption ng post ay isang impersonator lamang daw ni Apl.De.Ap ang nasa larawan.
“Pati si Apl.de.Ap pineke niyo. Pu***gina HAHHAHAAHAH g*go may mga video niyan hanapin niyo! Impersonator yan ANUBAAAA.”
Sa mismong comment section naman ay nag-iwan si Apl.de.Ap ng tatlong facepalm emoji.

Narito pa ang ilang komento ng mga netizens tungkol dito.



Sa isang tweet naman kung saan kasama ang pangalan ni Apl.De.Ap sa napakahabang listahan ng diumano’y mga celebrities na sumusuporta sa kandidatura ng BBM-Sara tandem, ay tinanong ng ilang netizen ang singer kung kumpirmado nga bang suportado niya ang mga ito.
Paki tag po ng mga artista na kilala nyo na nasa listahan para they can confirm na totoo ito. Haha. Baka mamaya may hindi pala dapat kasali jan. pic.twitter.com/HIf6WTrIIa
— ricci 🌸 | #LeniKiko (@ricci_richy) April 24, 2022
Ayon pa sa singer, “Country over party. Not endorsing any candidate.”
Country over party. Not endorsing any candidate
— apl.de.ap (@apldeap) April 28, 2022
Maiksing “Not me” naman ang sagot ni Apl.de.Ap sa isa pang netizen.
Not me
— apl.de.ap (@apldeap) April 28, 2022
Samantala, napasama din sa listahan ang mga pangalan nina Popstar Princess Sara Geronimo, Diego Loyzaga, Hayden Kho, Isabelle Daza, Derrick Monasterio at iba pa.