LOOK: 5 Miss Universe queens in one iconic selfie

ICONIC! Ganyan ilarawan ng karamihan sa pageant fans ang pambihirang pagsasama-sama ng limang Miss Universe winners sa isang larawan.

Nagkaisa sina Pia Wurtzbach, Demi-Leigh Tebow, Catriona Gray, Iris Mittenaere, at Harnaaz Sandhu para sa darating na Miss Universe Philippines (MUPH) 2022.

Sa Facebook ay ibinahagi ni Catriona ang isang selfie kasama ang iba pang Miss Universe queens.

Ayon sa kanyang caption, “Reunited with these beautiful souls!!”

Ibinahagi rin ng Miss Universe sa kanilang Instagram account ang isang video na nagpapakitang pinagpasa-pasahan nila ang korona sa pagkakasunud-sunod ng kanilang mga panalo.

Ipinasa ito ni Pia (Miss Universe 2015) kay Iris (Miss Universe 2016), na ipinasa kay Demi-Leigh (Miss Universe 2017), at pagkatapos ay kay Catriona (Miss Universe 2018), at panghuli ay kay Harnaaz (Miss Universe 2021).

“When the universe unites.” Ayon pa sa caption.

Komento naman ni Miss Universe 2019 Zozibini Tonzi, “Most beautiful frame in the Universe.”

Credit: Miss Universe/Instagram

“Wishing I was there! Love you all!” Ang sabi naman ni Miss Universe 2020 Andrea Meza.

Credit: Miss Universe/Instagram

Nasa Maynila ang mga reyna para lumahok sa Miss Universe Philippines 2022 grand coronation night. Sina Pia, Iris, at Demi-Leigh ang magiging host nito.

Kokoronahan ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Gomez ang kanyang kahalili ngayong Sabado, Abril 30, sa SM Mall of Asia Arena.

Samantala, ipinakita naman ng Miss Universe Philippines ang bagong korona para sa 2022 winner nito sa “Ultimate Reigns” gala night na ginanap sa Hilton Manila grand ballroom kamakailan.

Share this article
Erie Swan