Arnell Ignacio may banat kay Kim Chiu: “Get a spokesperson for yourself”

Hindi pinalampas ng komedyante at TV host na si Arnell Ignacio ang naging hirit ng Kapamilya actress na si Kim Chiu tungkol sa naging tanong nito kung bakit ang spokesperson ng presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos ang laging sumasagot para dito.

Nagsimula ang lahat ng hamunin ng one-on-one debate si Marcos ng kanyang pinaka-mahigpit na katunggali na si vice president Leni Robredo noong April 29.

Ayon kay Robredo, ”Inaanyayahan ko si Ginoong Bongbong Marcos na makipag debate, para mabigyan ang taumbayan ng pagkakataon na makaharap siya at matanong tungkol sa kontrobersiyang pumapalibot sa kanya.”

Sumagot naman ang tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez at sinabing hindi kailanman ito mangyayari sa ilang kadahilanan at batid diumano ng bise presidente ang mga kadahilanang iyon.

Dahil dito ay hindi na napigilan ni Kim ang mag-react at tanungin kung bakit ang spokesperson ni Marcos ang laging sumasagot para sa kanya.

Tweet ng aktres, “Uhm curious lang po? Bakit parang mas si Sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? Sha po ba yung tatakbo? Diba campaign period palang? Dapat yung nag aapply yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW. #nobashing #justcurious”

Umani naman ng iba’t ibang reakyon ang tweet na ito ni Kim. May ilang sumang-ayon sa kanya at mayroon din namang kumontra.

Isa na nga si Arnell sa hindi nakapagpigil na mag-react sa mga sinabi ng It’s Showtime host. Na-lektyuran pa nito si Kim sa pamamagitan ng isang 1 minute video na in-upload sa kanyang social media account noong April 30.

Panimula ni Arnell, “Kim Chiu, you know what, you’re a very colorful personality who has a knack for asking the most intriguing questions. You know why it’s intriguing? Because you keep us hanging while you’re asking it. Now ang latest mo, spokesperson.”

Dito na ipinaliwanag ni Arnell kay Kim kung ano nga ba ang trabaho ng isang spokesperson.

Ayon sa kanya, “Ano ba ‘yong spokesperson, Kim? Ang spokesperson ay isang tao na nagsasalita in behalf of somebody else. So why does that happen? Kasi ’yong tao na iyong inaantay na magsalita ay napakaraming engagement at kailangan niya ng isa pang tagapagpaliwanag.”

Kung tutuusin ay wala naman daw diumanong masama sa ginawa ni Atty. Rodriguez.

“There is really nothing wrong with that. My God, Kim, there’s nothing wrong with that. Si Atty. Rodriguez ay spokesperson ni BBM. Ang masama ay kapag nagpadala siya ng spokesperson sa debate or interview. Iba iyon.” Diin pa ni Arnell.

“Pero ’yong may issues usually, it’s the spokesperson who answers, who speaks. Kasi nga spokesperson s’ya, e. Spokesperson… spokesperson.”

Sinabi din ni Arnell na mukhang si Kim ang mas pinaka-nangangailangan ng spokesperson dahil sa lagi nalang diumanong itong sumasablay kapag nagsasalita.

“You know what’s best for you? Get a spokesperson for yourself. Malaking tulong ’yan para hindi ka sumasabit, Kim. Okay? Hope to meet you one day.” Pagtatapos ni Arnell.

Tila “unbothered” naman si Kim tungkol sa mga bumabatikos sa kanyang opinyon. Sa katunayan ay sinabi niyang ready na siya sa mga bashers.

Ayon sa kanyang tweet: “Natatawa ako sa mga peepz! Hahaha. Wala atang sagot na maayos, kaya ready na me for #RENEWALOFBASH lels. Bahala kayo magkagulo jan! Yun ay out of curiosity lamang powz. Kaya nga po nagtanong.. hihihi (PS namimiss ko na mag peace sign).”

Samantala, narito naman ang ilan sa komento ng mga netizens.

Related article

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.