Sumabak kaagad sa trabaho si Celeste Cortesi pagkatapos niyang manalo bilang Miss Universe Philippines 2022 sa pamamagitan ng pagbisita sa Tebow CURE Hospital sa Davao City kasama si Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow.
Ang Tebow CURE Hospital ay isang non-profit na pagamutan na ang specialty ay orthopedic para sa mga batang may mga kapansanan. Itinatag ito ng asawa ni Demi, ang American football player na si Tim Tebow, sa pakikipagtulungan sa CURE, isang nonprofit Christian organization na tumutulong sa mga batang may mga kapansanan na pwede pang gamutin.
Ipinost ng Miss Universe Philippines organization sa kanilang Facebook page kahapon, May 2, ang pakikipag-ugnayan nina Celeste at Demi sa mga bata at sa mga medical staff ng ospital.
Ayon pa sa kanilang post: “Starting her reign in a very meaningful way. Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi joined Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow to visit the Tebow CURE Hospital, Davao City. They were able to observe two surgeries, visit with some patients and celebrate the 7th Anniversary of the Tebow CURE Hospital.”
“Tebow CURE Hospital is part of the CURE International network of hospitals. CURE International is a Christian non-profit organization that operates a global network of eight children’s hospitals providing world class surgical care and intentional spiritual care to children living with treatable disabilities.”
Sa pamamagitan naman ng kanyang Instagram account ay nagbigay din ng update si Demi ngayong araw, May 3, tungkol sa kanilang pagbisita sa ospital at nagpahayag din siya ng kanyang pasasalamat kay Celeste.
“Happy 7th Anniversary @tebowcure! So incredibly thankful to be a part of this milestone celebration and to have had my honored guest, the newly crowned Miss Universe Philippines 2022 @celeste_cortesi join us.”
Dagdag pa ni Demi, “I’m so grateful that I got to spend time with the sweet children and amazing staff in Davao City. We at the @timtebowfoundation believe that there is power when we come together. We deepen our reach, deepen our impact, and truly have the opportunity to change the trajectory of these children’s lives. We are so grateful for our partners at @cureintl and to our TTF fam for your continuous support.”


Nasungkit ni Celeste ang korona ng Miss Universe Philippines noong Sabado, April 30, sa Mall of Asia Arena. Ang iba pang mga nanalo ay sina: Michelle Marquez Dee ng Makati (Miss Universe Philippines Tourism), Pauline Cucharo Amelinckx ng Bohol (Miss Universe Philippines Charity), Annabelle McDonnell ng Misamis Oriental (Miss Universe Philippines 1st runner-up) at Ma. Katrina Llegado ng Taguig (Miss Universe Philippines 2nd runner-up).