Pabirong tinakot ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ang kanyang boyfriend na si Ricci Rivero na iboto ang kanyang napiling presidential candidate sa pamamagitan ng isang TikTok video na inupload niya kahapon, May 4.
Sa video na ipinost ni Andrea sa kanyang TikTok account ay sinabi niya sa kanyang mga tagahanga kung bakit niya pinipili ang kandidato sa pagka pangulo na si vice president Leni Robredo.
“Sigurado na ‘ko kay Leni. Pero alam ko naman yung iba, hindi pa, undecided pa, o may ibang sinusuportahan. Alam ko na yan, yung isa nga sinagot ko pa e. Naku, naku, naku, naku.”
“Bebe kung napapanood mo ‘to, iboto mo si Leni kung hindi…” Pabirong sabi ni Andrea kay Ricci.
“Charot lang. Hindi ako diktador. Baka may mag-react ha? Daanin natin sa maayos na pakiusap. O kayong may mga jowa, alam nyo nang gagawin niyo ha?
Sinabi ni Andrea na gusto niyang i-convert ang kanyang mga mahal sa buhay para iboto si Robredo dahil mahal niya ang mga ito.
“Alam niyo ba kung bakit gusto kong i-convert lahat ng kakilala at mahal ko para kay Leni? Kasi ang pagsuporta ko kay Leni, proof yon ng pagmamahal ko sa kanila. Kasi kung mahal mo ang isang tao, pamilya man, kaibigan o jowa, gusto mo malaya siya. Malayang mangarap at malayang tuparin ang mga pangarap niya.”
Ipinaliwanag din ni Andrea kung bakit siya sumasama sa rally ng walang bayad dahil sa laki ng tiwala niya kay Robredo.
Dagdag pa niya, “Kaya ko sinusuportahan si Leni. Kasi sa kanya lang ako may tiwala na magiging ligtas at magiging posible ang mga pangarap ng mga mahal ko.”
“Kaya ako sumasama na walang bayad sa mga rally, kaya nagha house to house ang mga volunteers, kasi nakakapit tayo lahat sa pagmamahal. Kasi alam ‘nyo nakita ko rin kung paano mahalin ni Leni Robredo ang mga anak niya, ang mga mahihirap na ipinagtatanggol niya, ang Pilipinong pinagsilbihan niya. Ganun ako magmahal. At yung boto ko kay Leni, pruweba yun ng pagmamahal ko sa kanya.”
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang reaksyon si Ricci tungkol dito.