Hipon girl ibinalandra ang kaseksihan sa beach

Nakakapaso ang kaseksihan ni Herlene “Hipon Girl” Budol sa kanyang bagong mga posts sa social media.

Noong Miyerkules, May 4, ay nag-post ng kanyang mga larawan ang “candidate number 8” ng Binibining Pilipinas habang nakasuot ng itim na two-piece bikini sa dalampasigan.

Fierce kung fierce ang pose ni Herlene. Pero syempre hindi parin nawawala ang kanyang pagiging komedyante.

Kwelang caption ni Herlene: “Palakang Pose muna si Hipon Girl nyo! Tag mo tropa mong takot sa Palaka!! Ako nga pala si Binibini #8 – Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at mag iiwan ng kasabihan, ‘Ang tao magaling mang echos ay isang Palakang kokak and I… Hipon!!”

Sa isa pa niyang larawan ay kitang kita ang ganda ng hubog ng kanyang katawan habang background ang karagatan sa kanyang likuran.

Ayon sa kanya, “Bawat paglubog ng araw ay simula ng napakagandang pag sikat ng araw. Ako nga pala si Binibini #8 – Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at mag iiwan ng kasabihan ‘Ang tunay na kagandahan ay tungkol sa pagiging tunay at pag mamay-ari ng iyong pagiging natatangi’ And I….Hipon!!”

Mula ng i-anunsyo ni Herlene na sasali siya sa Binibing Pilipinas ay sunod sunod na ang mga update. Kaya naman hindi rin mapigilan ng kanyang mga tagahanga ang manabik sa tuwing may mga pasabog siyang post sa social media.

Samantala, positibo naman ang lahat ng komento ng mga netizens sa mga seksing larawan na ito ni Herlene.

Ayon sa isang netizen: “How to be you, Herlene? Mala diosa ang beauty…grabeee…ikaw na ang JLO ng Pinas! Number 1 Fan ako ni JLO dto sa USA so, now nmn IKAW ang #8 este, #1 ko jan sa Pinas! Ingat my Pinas JLO…You will Shine, wait and see. Reach for the stars.”

“Ang ganda at ang sexy moh idol… Herlene Hipon Budol…. Habang tumatagal lalo kah pang gumaganda…. Ang bait ang kwela moh pah…. Kya idol kita e… I love you idol.” Sabi naman ng isa pang netizen.

Kamakailan lamang ay muling lumutang ang viral video ni Miss Manila kung saan sinabi nitong walang karapatan si Herlene na sumali ng beauty pageant.

Share this article
Erie Swan