Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey, engaged na

Ipinasulyap ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang Instagram account ang kanilang beach getaway ng kasintahang si Jeremy Jauncey. Sa reel na ipinost ni Pia ay ipinakita rin nito ang isang diyamenteng singsing sa kanyang daliri, hudyat ng bagong kabanata sa kanilang buhay bilang magkasintahan.

Ayon sa caption ni Pia sa video, “We found the perfect place to celebrate and tell you guys…(ring emoji).”

Credit: Pia Wurtzbach/Instagram

Nakita ang beauty queen na nakasuot ng white two-piece white bikini habang nag-eenjoy sa isang yate kasama si Jeremy. Tila ipinahiwatig din sa video na nag-propose si Jeremy pagsapit ng gabi.

Credit: Pia Wurtzbach/Instagram

Pinaniniwalaang nangyari ang proposal sa Amanpulo, Palawan dahil ang dalawa ay sabay na nagbahagi ng kanilang mga escapades sa social media .

Credit: Pia Wurtzbach/Instagram

Unang umingay ang tsismis na nakikipag-date si Pia kay Jeremy noong Enero 2020, nang mapansin ng mga netizens sa mga post ng dalawa na tila magkasama silang nagbabakasyon sa Indonesia. Binanggit din ni Pia sa isang panayam noong 2020 na masaya ang kanyang buhay pag-ibig, nang hindi binanggit ang pangalan ni Jeremy.

Pagsapit naman ng Hunyo 2020 ay opisyal na isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon nang sabay silang maging cover sa Philippine Tatler Magazine.

Excited namang binati ng kanyang mga kaibigang celebrities si Pia katulad nina Ariela Arida, Sarah Lahbati, Iya Villania, Bela Padilla at Neri Miranda.

Credit: Pia Wurtzbach/Instagram
Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *