Jaclyn Jose, ipinagtanggol ang Iglesia ni Cristo laban sa mga bashers

Hindi napigilang dumepensa ng award-winning actress na si Jaclyn Jose laban sa pamba-bash sa Iglesia ni Cristo matapos nitong iendorso ang UniTeam tandem nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ay kanyang ipinahayag sa kanyang Instagram account noong Huwebes, May 5.

Ayon pa kay Jacklyn, “I just want defend our vote, watching a channel na parang d na maganda sinasabi sa INC. Na para bang nasa 10 commandments na at foul na talaga. Pasensiya na po..nasasaktan lang..ganun po talaga kami..sobra na po..sana wal(a) naman sakitan ng religion.”

Dagdag pa niya, “Wala ako sa posisyon mag salita may mga leader po kami na makakapag paliwanag..ganun po talaga kami mga miembro nag kakaisa..wala na po kayo magagawa. Ang respeto namin ay nasa aming pagkakaisa bilang Iglesia..sorry po..may malalim po kami pag uunawa ukol sa mga bagay na ito..salamat po.”

Kilala ang Iglesia ni Cristo sa “bloc voting” kung saan inaasahan ng simbahan na iboboto ng mga miyembro nito ang mga kandidatong kanilang ieendorso.

Bukod sa Marcos-Duterte tandem ay inendorso rin ng Iglesia ni Cristo ang mga sumusunod na senatorial candidates para sa May 9 elections: Robin Padilla, JV Ejercito, Loren Legarda, Jejomar Binay, Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, Miguel Zubiri, Francis “Chiz” Escudero, Mark Villar, Sherwin Gatchalian, Alan Peter Cayetano, at Guillermo Eleazar.

Ang endorsement ay ibinalita sa NET 25 noong Martes ng gabi, Mayo 3.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *