Nakibahagi ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa house-to-house campaign para sa kanyang mga ibobotong kandidato sa darating na halalan sa Lunes, May 9.
Naglakad-lakad ang aktres sa mga lansangan ng Marikina at nakipag-ugnayan sa mga residente para ikampanya sina Vice President Leni Robredo para sa pagka-presidente, si Sen. Francis Pangilinan para sa pagka-bise-presidente at ang senatorial candidate na si Chel Diokno.

Ipinost ni Diokno sa kanyang Twitter account ang video kung saan nagsalita si Jodi tungkol sa kung paano nagsikap ang ilang mga indibidwal para suportahan ang kandidatura ni Robredo.
Ayon kay Jodi, “Di ba sa mga nakaraang eleksyon kung mapapansin natin na ang pulitiko mismo ang gumagasta… gumagastos, para maipakilala nila ‘yung sarili nila. Pero ngayon ko lang ulit nakita na ang mga tao talaga ‘yung willing mag-spend, magbigay ng effort para suportahan ang isang kandidato.”

Binanggit din ni Jodi ang malinis na track record ni Robredo, na ayon sa aktres ay tinitiyak sa publiko na hindi ka mangangamba na masasangkot siya sa katiwalian.
“It only goes to show na yung suporta ng mga taong nasa kanya. Pagmamahal ng tao nasa kanya. Malinis… malinis ang track record ni VP Leni. Walang bahid ng korupsyon. So hindi ka mangangamba na ‘pag gumastos ng malaki, paano babawiin?”
Paliwanag pa niya, “Many have known me to be quiet about certain things and I believe that this is not the time to be quiet about what you stand for. And that’s also the reason why I went out there to show people kung sino yung mga tao na sa puso ko ang magbibigay sa atin ng pag-asa. Kumbaga, there’s hope in pink.”
“Hindi na lang ‘to pangsarili pero para ‘to sa atin e, para ‘to sa bawat Pilipino, para sa Pilipinas.”

Nagpost din ang aktres ng mga larawan ng kanyang ginawang house-to house campaign sa kanyang Instagram account. Makikita sa larawan na kasama niya ang iba pang mga supporters na nakasuot ng pink ay habang nakikipag-usap sa mga residente at namimigay ng flyers.
Isa lamang si Jodi sa mahabang listahan ng mga artista na nagdeklara ng suporta kay Robredo. Nandiyan sina Vice Ganda, Kris Aquino, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Daniel Padilla, Catriona Gray, Pia Wurtzbach, Kathryn Bernardo, Anne Curtis, Kim Chiu, at iba pa.
Read more: