Pokwang walang galit kay AiAi delas Alas

Itinanggi ng komedyanteng si Pokwang na may isyu sa pagitan nila ng kapwa Kapuso comedienne na si AiAi delas Alas dahil sa paglipat niya sa GMA Kapuso Network.

Mas lalo pang lumakas ang pang-iintriga sa kanila dalawa dahil sa magkaibang presidential candidate na kanilang sinusuportahan. Si Pokwang ay aminadong kakampink at sinusuportahan si Vice President Leni Robredo, samantalang si AiAi naman ay sinusuportahan ang kandidatura ng dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Iyan ang pinabulaanan ni Pokwang sa harap ng media ng magkaroon siya ng contract signing at launching ng isang brand.

Ayon sa report ng Manila Times ay dalawang beses na raw silang nagkita ng Comedy Concert Queen sa All Out Sunday (AOS) Studio at naging magiliw naman daw sila sa isa’t isa.

Ayon pa kay Pokwang, na sa tagal na niya sa showbiz ay tanggap na niya ang mga intrigang kaakibat nito. Ngunit hindi parin daw niya maiwasang masaktan sa tuwing ang isang kasamahan ay may pangit na komento sa kanyang post dahil lang sa nagkataon na sila ay sumusuporta sa iba’t ibang kandidato sa pagka-pangulo.

Ayon pa sa kanya, “Respect lang ang hinihingi ko. May kanya-kanya naman tayong paniniwala kaya sana irespeto natin kung anuman ang choice ng kaibigan natin o kasama.”

Sinabi din niya na kahit noon pa man ay sadyang pinagtatapat na silang dalawa ni AiAi. Madalas din daw siyang naba-bash sa tuwing naninidigan siya.

Dagdag pa niya, “At the end of the day, kung sino man ang manalo sa eleksyon, back to normal na tayo. We will continue working para may pera. pambayad sa mga bayarin namin at tuition fee ng mga anak namin.”

Isa lang naman daw ang nais ni Pokwang na makamit sa bandang huli, ‘yan ay ang magkaroon ng magandang gobyerno para sa kinabukasan ng mga Pilipino at ng Pilipinas.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.