Hipon Girl, nagpakitang gilas sa Q & A interview

Nagpamalas ng kanyang galing si Herlene Budol, na kilala rin bilang Hipon Girl sa pagsagot sa mga sensitibong tanong tungkol sa mga isyung nakapalibot sa LGBTQIA+ community.

Sinagot ni Herlene ang mga tanong ng kanyang mga kaibigan na sina Aian at Apple sa FAMNGARAP YouTube channel.

“Papayag ka ba na ang transwoman ay sasali sa Bb. Pilipinas?”

Sagot ni Herlene, “Ako, para sa akin, in my own opinion lang naman ito, syempre kanya-kanya tayong opinyon. Pero ang lahat ng gay community, LGBTQIA, ayan.. ay mahal na mahal ko talaga, sobrang love na love ko ‘yang mga ‘yan.”

“Para sa akin, nirerespeto ko kung ano ‘yung desisyon nila. Pero para sa akin lang ito, ha? May pageant para sa kanila na kaya nilang mas panindigan o mas bigyan ng magandang laban o hustisya yung pinaglalaban nila sa kanilang gender. Kaya para sa akin, may para sa kanila.”

“Na-attract ka na ba sa same sex?”

“Ay ang ganda ng tanong mo. Syempre para sa akin bilang isang babae, hindi pa. Pero super close ko sa lahat ng gender actually. Lahat talaga bet kong tropahin. Kaya walang problema sa akin yung paano ako maki-communicate. Pero yung ma-in love, wala pa.”

“Lumaki kasi akong religious yung pamilya ko. Lumaki kasi akong ‘yun yung itinuro sa akin. Pero nirerespeto ko kung ano yung nararamdaman ng mga girls na nai-in love sa same sex.”

“Paano mo masasabi na ayaw mo ng adobo, kung hindi mo pa natitikman yung adobo?”

Ang tanong na ito ay patungkol sa pakikipagrelasyon sa kapwa kasarian, na sinagot naman ni Herlene nang: “Hindi mo na kailangang tikman. Amuyin mo palang, alam mo na yung lasa na masarap talaga.”

“Hindi mo naman kailangang tumikim ng maraming putahe para lang malaman mo lahat. Sa tingin pa lang, sa amoy pa lang, malalasap mo na ang tunay na sarap.”

“Kung ikaw ay magkakaroon ng karelasyon na tomboy o transman at kayo ay mag-aanak , ano ang mas preferred mo – IVF o adoption?”

Sagot ni Herlene, “Sobrang lalim ng tanong na ‘yan. Pero para sa akin, pipiliin kong mag-adopt. Kasi yung IVF pang may budget lang ‘yun. Kasi kagaya ko halimbawa, wala akong budget. Bat’ ko pa ipu-push ang magkaroon ng ganoon kung kaya ko naman mag-adopt? Tapos makakatulong pa ako sa mga kabataan na kulang sa pagmamahal ng magulang, financial, na hindi kayang suportahan yung paglaki nila.”

“So, ako itong magiging hero nila, magiging magulang nila, na hindi ko man sila isinilang, pero kaya ko silang maging tunay na anak sa puso’t isipan ko. Pagtulong ko na rin sa kapwa Pilipino.” Dagdag pa niya.

Sa huli ay pinasalamatan ni Herlene ang lahat ng sumusuporta sa kanya. Ibinalita rin niya na simula nang sumali siya sa Binibining Pilipinas ay mas lalong lumubo ang kanyang mga followers sa social media.

RELATED ARTICLES

Share this article
Erie Swan