Robin Padilla, Loren Legarda nangunguna sa partial at unofficial tally ng COMELEC

Sa kasalukuyan, ang aktor na si Robin Padilla ang top choice para sa pagka senador, batay sa partial at unofficial count mula sa datos na ibinigay ng transparency server ng Commission on Elections (COMELEC).

Si Padilla ay nakakuha ng 22,622,249 milyong boto kasama ang three term senator at kasalukuyang House Deputy Speaker na si Loren Legarda na may 21,072,096.

Credit: COMELEC Transparency Service

As of 12:17 a.m ngayong Martes, Mayo 10, 2022, nasa ikatlong puwesto ang broadcaster na si Raffy Tulfo na may 20,321,795, na sinundan ni Senator Sherwin Gatchalian na may 17,957,715; Sorsogon Governor Chiz Escudero na may 17,742,901, at dating secretary ng Department of Public Works and Highways na si Mark Villar na may 16,793,184.

Credit: COMELEC Transparency Service

Sa lower half ng Magic 12 ay nakuha ni dating Speaker Alan Peter Cayetano ang ikapitong puwesto na may 16,738,014; Si Senator Migz Zubiri ay nasa ikawalong puwesto na may 16,203,455; at Senator Joel Villanueva na may 16,186,837.

Nasa ika-sampu hanggang ika-labing dalawang puwesto naman sina JV Ejercito na may 13,745,044, Risa Hontiveros na may 13,555,341, at Jinggoy Estrada na may 12,993,517.

Share this article
Erie Swan