Dismayado ang aktres na si Andrea Brillantes sa naging resulta ng halalan. Kaya naman habang inaanunsyo ang partial at unofficial results ng halalan kagabi, May 9, ay sunod-sunod din ang kanyang naging tweet.
Ayon kay Andrea, “Seriously people??? Nasan ang utak nyo???”

Sa kasalukuyan ay burado na ang nasabing tweet na ito ni Andrea, ngunit mabilis ang mga netizens na kunan ito ng screenshot.
Sumunod niyang tweet bandang 9:28 p.m: “Mapapa WTF ka nalang talaga.”

Naging prangka din ang aktres sa pagsasabi na ayaw niyang irespeto ang desisyon ng nakararami.
“Wala na akong pakialam sa respect my decision eme na yan. Sorry pero nakaka disappoint kayo! Hindi na tayo natuto!” Sabi pa ni Andrea.

Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens sa mga tweet na ito ni Andrea:
“Nag uumpisa na akong mairita sayo be.” Ang sabi ni @wadesjuco.
nag uumpisa na akong mairita sayo be pic.twitter.com/LDWaRBkcnH
— wade (@wadesrjuco) May 9, 2022
Ayon naman kay @KING7139796, “Masiyado lang talaga tayong naging kampante.”
Masiyado lang talaga tayong naging kampante🙂
— Anonymous (@KING07139796) May 9, 2022
Komento naman ni Renzo550577441, “Tapusin mo muna module mo bago k makisawsaw sa pulitika. Bata bata mopa wla kpa masyado alam s politika.”
Tapusin mo muna module mo bago k makisawsaw sa pulitika. Bata bata mopa wla kpa masyado alam s politika.
— Renzo (@Renzo550577441) May 9, 2022
Pinangaralan naman ni @ShaunMurphy0502 si Andrea. Ayon sa kanya, “hanapin mo rin yung utak mo and try to understand how democracy actually works. Kaya natatalo kandidato niyo dahil sa pangmamata niyo sa iba.”
@iamandrea_b hanapin mo rin yung utak mo and try to understand how democracy actually works. Kaya natatalo kandidato niyo dahil sa pangmamata niyo sa iba. pic.twitter.com/CJX0XZXNq6
— Shaun Murphy (@ShaunMurphy0525) May 9, 2022
Si Andrea ay isa lamang sa mga celebrities na matinding supporter ni Vice President Leni Robredo. Maaalala din na pinilit nitong i-convert ang kanyang nobyong si Ricci Rivero na maging kakampink.