Sumali sa rally ng mga tagasuporta ni presidential candidate Vice President Leni Robredo kahapon, May 10, si Frankie “Kakie” Pangilinan. Si Kakie ay ang panganay na anak ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa aktres na si Sharon Cuneta.
Ipinoprotesta kasi ng mga kakampink ang diumano’y dayaan sa halalan noong nakaraang May 9. Kinukwestiyon din nila ang pagiging frontrunner sa laban sa pagka-pangulo ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Bago pa man ang pagsugod ni Frankie sa Comelec ay nagbahagi na ito sa Twitter ng kanyang mga saloobin tungkol sa katatapos na halalan.
Ayon sa kanya, “I may never understand how things came to be but I will never forget the very distinct brand of love this election bred in each and every single one of our hearts.”
i may never understand how things came to be but i will never forget the very distinct brand of love this election bred in each and every single one of our hearts.
— spoiled brat, apparently (@kakiep83) May 9, 2022
Dagdag pa niya “My emotional range has been and continues to be tested to extreme lengths but if one thing is certain, it is that everything has changed. I feel it bone-deep, I’m sure you do too. And regardless of results—the work does not end here.”
my emotional range has been and continues to be tested to extreme lengths but if one thing is certain, it is that everything has changed. i feel it bone-deep, i’m sure you do too. and regardless of results—the work does not end here.
— spoiled brat, apparently (@kakiep83) May 9, 2022
Samantala, hatinggabi nang May 10 ay nag-tweet muli si Kakie nang kanyang saloobin kay Marcos.
Sabi niya, “Bongbong’ is not the name they will print on Malacañan’s stationery and if that doesn’t unsettle you, it should.”
“bongbong” is not the name they will print on malacañan’s stationery and if that doesn’t unsettle you, it should
— spoiled brat, apparently (@kakiep83) May 10, 2022
Ayon naman sa sumunod niyang tweet: “I will march, and I hope to see you there.”
i will march, and i hope to see you there.
— spoiled brat, apparently (@kakiep83) May 9, 2022
Kaya naman, nakita si Kakie sa rally sa harap ng tanggapan ng COMELEC sa Palacio del Gobernador noong Martes ng umaga, May 10, kung saan nagpahayag siya ng hindi pagsang-ayon sa posibleng pag-upo ni Marcos sa Malacañang.
Sa isang interview ay matinding nanindigan si Kakie na hindi niya matatanggap kailanman na maging presidente si Marcos.
Ayon sa kanya, “Sabi ng iba na we have to accept defeat daw. Na hindi raw tayo marunong matalo. I think the truth is, it’s not about this election anymore eh, because I think that the data shows that clearly this election was bought a long long time ago. And that’s something that we will not take sitting down.”
“I’m not going to have my president be named Ferdinand Marcos, again, ever.”
“We all know. We all know, what’s right and wrong. And I think it’s very, very simple what we have to do. If we’re not here to stand up, if we’re not here to fight, eh di ano pang ginagawa natin dito sa ‘Pinas, di ba? Mahal natin ang Pilipinas eh.” Sabi pa niya.
Sa kasalukuyan ay nanatili pa rin ang laki ng lamang ni Marcos kay Robredo.
Ayon sa partial at unofficial result na inilabas kaninang 9:19 a.m ay nakakuha si Marcos ng 31,073,556 boto, kumpara sa 14,807,254 ni Robredo.
Samantala, si Mayor Sara Duterte naman ay patuloy din na namamayagpag sa vice-presidential race na may 31,524,311 na boto, habang nasa ikalawang puwesto naman ang ama ni Kakie na si Senator Pangilinan na nakakuha ng 9,223,850 na boto.