Itinatagong anak ni Alice Dixson, ipinakilala na

Ikinagulat ng mga followers ng akters na si Alice Dixson nang ipakilala niya noong Mothers Day, May 10, ang kanyang panganay na anak na si Sassa.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Alice dahil sa pangalawang pagkakataon ay naranasan niya ang maging isang ina.

Dito ay ipinaliwanag niya na ang ama ng kanyang anak na si Sassa ay masyadong protective, kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na pormal na ipakilala ito sa publiko noong nagdadalaga na.

Ayon sa kanya, “I’ve been very lucky in my lifetime to experience it twice; 1st with Sassa our panganay. Ng dumating nabuo ang munting pamilya. Tho hindi ko sya na-introduce formally when she was a teen kasi napakaprotective ng father nya.”

Credit: Alice Dixson/Instagram

Kaya naman ngayong malaki na si Sassa ay handa na diumano si Alice na ipakilala ang kanyang anak sa buong mundo. Ipinagmalaki din ng aktres ang academic achievement ng anak.

“Pero ngayon na young lady na sya at masters grad pa – the world is now her oyster. I’m so very proud the woman you are & becoming… beautiful inside and out.”

Credit: Alice Dixson/Instagram

Sa mga larawang ibinahagi ng aktres ay isinama niya ang kanyang bunsong anak ngunit nakatago pa rin ang mukha nito.

Credit: Alice Dixson/Instagram

Maalalang April 2021 nang ihayag ni Alice na dumating na ang maliit na myembro ng kanilang pamilya. Ngunit simula noon ay hindi pa rin niya ipinapakita sa publiko ang mukha ng kanyang bunsong anak.

Read more

Share this article
Erie Swan