Madam Inutz naaksidente, nagmaneho nga ba nang lasing?

Tiniyak ni Daisy Lopez aka Madam Inutz sa kanyang mga tagahanga na ok ang kanyang kalagayan matapos siyang masangkot sa isang car accident.

Ibinahagi ng social media star at dating PBB housemate ang larawan ng binili niyang kotse nitong Pebrero lang. Makikita sa larawan na durog ang kaliwang bahagi ng sasakyan at nabasag ang mga bintana.

Ayon sa Facebook post ni Madam Inutz, “DUROG ANG SASAKYAN NI MADAM INUTZ NYO‼️ ACCIDENT ALWAYS HAPPEN TLGA‼️ BUTI NALANG WALANG NASAKTAN. THANK YOU LORD SA PAG GABAY MO SA AMIN‼️”

Hindi na idinetalye ni Madam Inutz kung paano nangyari ang aksidente ngunit binalaan niya ang kanyang mga tagahanga na mag-ingat at huwag magmamaneho kapag lasing.

“KAYA MGA INUTZ LAGI TAYONG MAG IINGAT SA LANSANGAN AT SA MGA DRIVER NA NAKA INOM‼️ PLEASE LANG WAG NA PO KAYO MAG MANEHO KUNG UNDER INFLUENCE NG LIQUOR‼️” Dagdag pa niya.

Ilang buwan lang ang nakakalipas nang ibahagi ni Madam Inutz sa isang Youtube vlog ang kanyang kagalakan nang natupad na niya ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling sasakyan.

Ayon pa sa kanya, “MGA INUTZ, ETO YUNG MATAGAL KONG PINANGARAP MAGKARON NG SARILING SASAKYAN‼️ MASAYA AKO DAHIL YAN SA INYO‼️ KAYO ANG AKING INSPIRASYON AT NAG BAGO ANG AKING BUHAY‼️”

Credit: Madam Inutz/Instagram

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.