Hindi pinalampas ng batikang kolumnista na si Lolit Solis ang inasal ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes nitong mga nagdaang araw.
Si Andrea, na masugid na tagasuporta ni outgoing Vice President Leni Robredo, ay dismayado sa lumabas na resulta ng bilangan sa pagka-pangulo at nag-tweet pa na, “Nasaan ang utak nyo” laban sa mga BBM supporters.
Kaya naman sa kanyang post sa Instagram ngayong araw, May 13, ay kinastigo ni Lolit ang pagiging “atrebida” ni Andrea nitong panahon ng kampanya. Kinondena din niya ang pagtawag diumano ng aktres na “bobo” sa mga taga-suporta ni President-elect Bongbong Marcos.
Hindi rin nagpaawat si Lolit at ibinunyag na dahil sa ginawa ng aktres ay mayroon diumanong salon na kumalas na sa pagbibigay ng libreng serbisyo dito.
Ayon pa kay Lolit, “O nakita mo na Salve kung ano nangyari sa pagiging atrebida ni Andrea Brillantes? Pati salon daw kung saan nakakakuha siya ng libreng service inalis raw siya dahil sa pagtawag niyang bobo sa mga supporters ni BBM.”

Minaliit din ni Lolit ang star power ni Andrea at sinabing wala itong karapatan na mag-inarte dahil hindi siya big star. Tinawag din niya itong “baguhan na walang ningning.”
Dagdag pa niya, “Kung big star si Andrea baka pinalagpas pa iyon, pero dahil isang wala naman ningning na baguhan, talagang snob ang treatment sa mga arte niya.”
“Sabi ko nga, lahat kaya mo pag meron kang star power, pero kung isa ka lang wannabe hindi ka nila palalagpasin sa mga kagagahan mo.”
“Know your place, your ranking , your level , bago ka magbitaw ng anuman salita.”
Kinuwestyon din niya kung talaga bang nakatulong si Andrea sa kampanya ni VP Leni.
“Palagay ba ni Andrea Brillantes nakatulong siya kay Leni Robledo? Baka nga nakabawas pa siya ng boto.”
May payo naman si Lolit sa mga artistang gustong mag-endorso ng mga kandidatong tatakbo sa susunod na eleksyon.
“Now, aral na ito para sa lahat, tutoo, ipaglaban mo ang choice mo, huwag kang patalo. Pero maging maingat ka rin at sana nakatulong ka nga sa gusto mong kandidato.”
“Saka huwag OA, tignan mo, mukha kang engot dahil hindi ka sineseryoso, kasi nga, susuporta ka pa lang OA ka na, di lalo na pag nanduon ka na.”
Sa huli ay nag-iwan ng matapang na babala si Lolit kay Andrea.
“Baka manatili kang Bituin Walang Ningning Andrea Brillantes, hanap ka na lang uli ng free make up service, sayang din iyon libre, hah hah hah. Or else, manghiram ka na lang ng make up sa mga Pink ladies, mas bongga.” Pagtatapos pa ni Lolit.
