Binalikan ni Toni Gonzaga ang nangyaring kampanya noong nakaraang buwan sa social media habang pinaalalahanan niya ang publiko na manindigan sa tama.
Ayon sa kanyang post sa Instagram, “In the end…. Stand up for what you believe is right. Even if it means standing up…. Alone.”
Ibinahagi rin ni Toni ang mga larawang kuha sa kampanya ni President-elect Bongbong Marcos.


Ni-like naman ng asawa niyang si Paul Soriano at nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga ang post ni Toni.
Nag-comment pa si Direk Paul nang: “Love you madam.”

Puro papuri din ang ibinigay ng kanyang mga kaibigan at kapwa celebrities sa multi media star.
Sabi ni Mariel Rodriguez, “Bilib na bilib kami sayo. Mas lalo kami humanga sayo. YOU ARE ONE OF A KIND!!!! Congratulations.”

Sabi naman ni Karla Estrada, “You won’t stand alone! Never!”

Narito ang ilan pa sa kanilang mga komento:

Noong Setyembre 2021 ay gumawa ng ingay si Toni nang makapanayam niya si Marcos para sa kanyang vlog na “Toni Talks.” Simula noon ay walang na ring humpay ang pamba-bash sa kanya.
Noong Pebrero ay muling laman ng balita ang aktres nang siya ang naging master of ceremonies para sa proclamation rally nina Marcos at running mate na si Vice President-elect Mayor Sara Duterte.
Nag-trending din sa social media si Toni dahil sa sari-saring reaksyon mula sa mga netIzens.
Nang maglaon, ay nag-resign siya bilang host ng sikat na reality program na “Pinoy Big Brother” sa ABS-CBN.
Sa kabila ng mga negatibong reaksyon ay natiling tahimik si Toni tungkol sa isyu. Maging ang kanyang pamilya at mga kaibigan ay nasa likod niya lamang para sumuporta sa mga panahong binabato at inaalipusta siya.
Sa mga campaign rally ay palaging pinapaalalahanan ni Toni ang mga tagasuporta ng UniTeam na huwag pansinin ang mga kritiko at manatiling mapagkumbaba kagaya diumano ni Marcos
Ayon kay Toni, “Kung ang puso ng iba, punong puno ng galit. Ang puso nating lahat punong puno ng pagmamahal at pag-unawa.”
“Kaya po katulad ni BBM, hindi na po dapat natin pinapatulan ang ganyang bagay. Dahil kapag alam ninyo ang katotohanan hinding hindi kayo kayang sirain ng kasinungalingan.”
Dagdag pa niya, “Kaya naman po sa lahat ng nang aaway sa inyo, nangungutya sa inyo, pinipintasan kayo. Katulad ni BBM ‘wag na po tayong lumaban. Patuloy tayong magpakumbaba. Dahil katulad ni BBM laging nagpapakumbaba, kaya naman si BBM lalong tumataas.”
Samanta, isa si Toni sa mga unang bumati sa pagkapanalo ni Marcos.
Ayon sa kanya, “Congrats Ninong Bong.”
Related articles