Sa isang serye ng mga Instagram stories ay ibinunyag ng aktres at model na si Ellen Adarna na ipinatanggal na niya ang kanyang mga breast implants.
Pagkatapos ng ilang taon ng paghihirap mula sa kanyang breast implants ay nagpasya si Ellen na tuluyan na nga itong alisin sa kanyang katawan para sa kapakanan ng kanyang kalusugan.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories ay binanggit ni Ellen ang mga sakit na kanyang naranasan simula nang nagkaroon siya nito.
Ayon sa kanya, “Goodbye breast implant illness. I can now breathe properly – goodbye chronic back pain, fatigue, and brain fog.”
“It was fun while it lasted… The end.” Dagdag pa ni Ellen.

Samantala, para ipagdiwang ang pagkakatanggal ng mga breast implants ni Ellen ay pabirong niregaluhan siya ng kanyang asawa na si Derek Ramsay, ng cake na may mga katagang, “I miss your old boobs!”

Pinaglaruan din ni Derek ang mga ito na lalong nagpahalakhak kay Ellen.

Ang katapatan ni Ellen ay mas lalo pang nakatulong sa pagbibigay liwanag sa mga isyu na nakapalibot tungkol sa breast implants na hindi madalas pag-usapan ng karamihan dahil sa kahihiyan.