Chie Filomeno at Zeus Collins, nagbabala sa mga netizens na nagkakalat ng tsismis

Kumakalat sa social media ang napapabalitang video nina Zeus Collins at Chie Filomeno, ngunit mayroong banat ang dalawa tungkol sa mainit na isyu na pinagpipyestahan ng mga netizens.

Ilang celebrities na nga ang naharap sa tsismis tungkol sa pagkakaroon ng mga kontrobersyal na video at ang pinakahuling biktima ng ganitong uri ng paratang ay sina Zeus at Chie.

Kaya naman binasag na ni Chie ang kanyang katahimikan at hinamon ang netizen na nagngangalang Megan San Miguel na maglabas ng totoong ebidensiya.

Matapang na hamon ni Chie, “Ano Megan San Miguel dali share mo yung video, siguraduhin mo lang hindi mo sasayangin ang oras nila ah? Lalo na oras ko. Dali send mo sa akin. Maninira ka pa ah. Bardagulan gusto niyo eh. Paulit ulit na issue ah nakakasawa na.”

Credit: Chie Filomeno/Facebook

Dagdag pa niya, “Ano source mo? FB sure ball. Pag sure uy kung totoo mga pinag ppost niyo sa FB, kung mag uungkat kayo siguraduhin niyo totoo, wag paulit ulit at wag kayo mangdamay ng ibang tao. ISSUE YARN?”

Sa mga kumakalat na tsismis sa social media ay maraming netizens ang nagsasabing gumawa ng “milagro” ang dalawa sa loob ng isang sasakyan sa isang parking lot.

Ngunit sa video na kumakalat online ay hindi kita ang mukha ng mga taong sangkot. Kaya naman ang isyu na ito ay lumalabas na pawang tsismis lamang at walang katotohanan.

Samantala, nag-react din si Zeus tungkol sa isyu at nag-post pa ng larawan nila ni Chie na mayroong nakasulat na fake news. Sa sumunod na larawan ay kasama ni Zeus ang kanyang nobya na si Pauline Redondo.

Credit: Zeus Collins/Instagram
Credit: Zeus Collins/Instagram

Ayon pa kay Zeus, “FAKE NEWS‼️ Grabe tagal na nitong chismis na to, Baka naman si Zeus Maryosep yang napanood nyo. Ingat ingat lang kayo baka ma hack yang account nyo dahil dyan, at RESPETO nalang ng konti dami nadadamay. Masaya ako ngayon at wag nyo ng guluhin pa. MAHAL KITA @mykapaulinee”

Parehong Kapamilya artists sina Zeus at Chie at pareho din silang dating PBB housemates pero sa magkaibang edisyon.

Read more

Share this article
Erie Swan