Hipon Girl nagsuot ng P150,000 na gown para sa Bb. Pilipinas Grand Santacruzan

Pasabog ang isinuot na gown ni Herlene “Hipon Girl” Budol para sa Binibining Pilipinas Grand Santacruzan 2022. Nagkakahalaga lang naman kasi ito nang P150,000.

Ang komedyante at dating “Wowowin” host ay nagsuot ng pink na mermaid gown na pinalamutian ng mga asul na perlas at mga detalye ng ginto, na ipinares sa isang malaking gold headdress. Ang mga larawan ay ipinost ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated (BPCI) kahapon, Mayo 14, sa kanilang Facebook page.

Ang magandang Filipiniana gown ni Herlene ay likha ng fashion designer na si Geronie Labora mula sa Zamboanga City.

Nagpost din si Herlene ng update sa kanyang social media bago ang prusisyon. Dito ay nagpapahayag siya ng kanyang pananabik at pasasalamat sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino, sa kanyang kaibigan na si Madam Inutz, at sa kanyang glam team.

Ayon kay Herlene, “Mga Hiponatics, eto yung na assign kay Hipon girl nyo sa Binibining Pilipinas Pamayanan Guadalupe para sa Flores de Mayo. Ginastusan etong creation na sobrang detalyado sa Halagang 150,000php. Thank you kay Mima Wilbert Tolentino. iba ka tlga mag pa sabog at ciempre excited ako suotin ang creation ni Geronie Labora all the way from the city of flowers Zamboanga City!”

“Marami Maraming Salamat sa Mentor ko Rodin Gilbert B.flores at Motivator ko Madam inutz at higit sa lahat, yung tao nag tiwala at binigyan ako ng opportunidad at pinush ako sumalang sa prestiyosong patimpalak sa National pagent ng Binibining Pilipinas si sir Wilbert Tolentino para ma achieve lahat ng aking pangarap sa buhay para sa Pamilya ko lalo na kay Tatay Oreng at Nanay Bireng. Salamat po Papa Jesus sa lahat ng Blessings ibinuhos mo para sa akin.” Dagdag pa niya.

Credit: Binibining Pilipinas/Facebook

Syempre bilang pagtatapos ay hindi nawawala ang kanyang kuwelang kasabihan sa tuwing nagpo-post sa social media.

“Ako nga pala si Binibini #8 – Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at naniniwala sa kasabihan ‘Sa haba haba ng prusisyon sa Araneta din pala ang destinasyon’ And I….Hipon!!

Sinabi ni Herlene na ang inaasam asam niyang korona ay ang Miss Grand International. Ito ay matapos makita ang mga komento ng kanyang mga tagasuporta na bagay siya sa titulo.

Ang iba pang mga korona na pag-aagawan ng mga kandidata ay ang Binibining Pilipinas InterContinental, Binibining Pilipinas Globe at Binibining Pilipinas International.

Share this article
Erie Swan