Sa kanyang recent beach trip sa El Nido, Palawan ay muling pinainit ni Janine Gutierrez ang social media ng muli nitong ibinalandra ang kanyang beach body.
Nagpost si Janine sa kanyang Instagram account ng kanyang larawan habang nakasuot ng two-piece black bikini, nakataas ang kanyang mga kamay para mas lalong maipakita ang magandang hubog ng kanyang katawan.
Ayon pa sa caption ng aktres: “Quick escape.”
Pinuri naman ni Ruffa Gutierrez kaseksihan ng kanyang pamangkin.
“Hottieeee.” Ang sabi ni Ruffa.

Samantala, kinilig naman ang mga fans ng batiin ni Janine nang “happy birthday” (w/ 3 heart emoji) ang kanyang ka-loveteam na si Paulo Avelino, sa kanyang kaarawan noong Biyernes, May 13.
Nagpost ang aktres ng larawan ni Paulo na kuha mula sa kanilang US trip kamakailan.

Napapabalitang nagkakamabutihan na diumano ang dalawa base sa kanilang mga palitan ng nakakakilig na mensahe sa social media. Hanggang sa ngayon ay walang umaamin sa kanila.
Wala pang reaksyon si Paulo sa mga beach photos ni Janine, na sa kasalukuyan ay umabot na sa 75,000 likes.