Muling nagbigay ng update ang aktres at TV host na si Kris Aquino tungkol sa kanyang “life threatening” na karamdaman sa gitna ng mga bali-balitang siya ay nasa kritikal na kondisyon.
Sa isang Instagram post ngayong Lunes, May 16, ay sinabi ni Kris na nakatakda siyang umalis ng Pilipinas para tuluyang magpagamot sa Amerika.
Itinanggi din niya ang mga tsismis na siya ay naka-confine sa ICU ng isang ospital at nag-aagaw buhay, ngunit hindi naman siya nagpapigil sa pagbahagi kung gaano katindi ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa medical treatment na kanyang pinagdaanan.
Ginawa ni Kris ang update na ito dahil sa dami diumano ng mga bashers na atat nang mamatay siya sa social media.
Ayon pa kay Kris, “Pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko.”
“I’ve always been proud of my honesty & courage. Ginusto ko na maka lipad sana ng tahimik pero utang ko po sa mga nag darasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag THANK YOU & to tell the TRUTH.”

Sinabi Kris, kapatid ng yumaong pangulo na si Benigno Aquino III, na mayroon siyang 3 kumpirmadong autoimmune conditions: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, at Churg Strauss Syndrome.
“Kayo na lang please ang mag research- 3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the US – meron po akong vasculitis, to be very specific – late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA.”

Sinabi ni Kris na nag-aalala ang kanyang mga doktor dito sa Pilipinas at sa Amerika tungkol sa pinsalang ihahatid nito sa kanyang puso at baga. Ito din diumano ang dahilan kung bakit nagmamadali na silang makalipad papunta ng Amerika para sa kanyang tuluyang pagpapagamot.
Paliwanag pa niya, “My team of doctors here & abroad (we’ve been closely consulting with a Filipino-American doctor and his team in Houston, Texas. Here the majority of my doctors practice in St Luke’s BGC and/or Makati Medical Center except my neurologist who has clinics in Asian, Perpetual & Medical City). They are all worried about organ damage in my heart & in my lungs.”
“Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest. Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids.”

Sa puntong ito ay nakiusap naman si Kris sa mga bashers na huwag nang idamay sa pambabastos ang kanyang mga anak na sina Bimby at Josh
“Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15- kung balak nyo pong mambastos or mag comment ng masakit o masama, sa mga sarili nyo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin.”
“Hindi nyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish kuya & bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan.” Pagtatapos pa ng post ni Kris.
Simula’t simula pa ay lagi nang ina-update ni Kris ang kanyang mga fans tungkol sa kanyang pakikipaglaban sa kanyang auto immune conditions na nagresulta sa matinding pagbaba ng kanyang timbang.