Prangkang sinagot ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista ang kanyang naging karanasan tungkol sa one night stand.
Tiyak, karamihan sa mga tao na ngayon ay masaya na sa kanilang buhay pag-ibig ay nagkaroon ng mga hindi malilimutang karanasan sa pakikipag-one night stand. At tulad ng marami sa atin, ay hindi nahihiyang aminin ni Heart na ginawa din niya iyon makailang beses noong siya ay dalaga pa.
Sa vlog na ipinost ni Heart sa Youtube ay masayang nagsama-sama ang kanyang team sa Balesin Island para mag-relax. At sa kanilang laro na ‘Sagot o Lagot’ ay doon matapat na ibinahagi ng fashion icon ang sagot sa ilang mga ‘burning questions’.
Nang dumating na sa tanong tungkol sa pagkakaroon ng one night stand ay napainum si Heart at sinabing nagawa na niya iyon. Ayon sa kanya, kinukunsidera niya itong isang one night stand kahit sa huli ay naging karelasyon niya ang lalaki na hindi na niya ibinunyag ang pagkakakilanlan.
“I guess it was considered a one night stand. Naging kami eventually eh. Lahat ng naka-one-night stand ko naging kami.” Natatawang sagot ni Heart.
Matapat din niyang ibinahagi ang iba pang mga detalye tulad ng pag-amin sa pagbabasa ng mga mensahe ng kanyang kapareha, at pakikipag-date sa isang taong mas matanda sa kanya ng 10 taon.
“Pinakasalan ko pa nga eh”. Bulalas pa niya.
Ang tinutukoy ni Heart ay ang kanyang asawa na ngayon ay si presumptive Senator Francis “Chiz” Escudero. Idinagdag pa niya na wala siyang pinagsisisihan tungkol dito.

Samantala, hinangaan naman ng mga netizens si Heart dahil sa pagiging magaling na “boss” nito sa kanyang mga staff.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Love Heart’s humbleness. Praying for you!”
“Ako ang nag enjoy Ms. Heart!!! Nakakaenjoy ang grupo nyo!!! Stay humble…..ang swerte nila to find you, legit sosyal and yet very down to earth.”
“What a fun trip with your crew! You’re so nice to them… treating them like family.”
“Sarap maging tropa ni Ms. Heart..walang kaarte arte..so love her vlog.”
“This is what I admire the most..humble and genuine ung pakikisama ni Heart sa team niya..team you’re lucky coz she treats you well..and vice versa. More power to your friendship.”