Mukhang pinagtatawanan lamang ng aktor na si James Reid ang mga haka-haka ng mga netizens tungkol sa kanyang bagong karelasyon na isang lalaki. Kumalat kasi sa social media ang video na hinalikan siya sa pisngi ng isang gwapong lalaki noong ipinagdiriwang niya ang kanyang kaarawan.
Ang orihinal na video ay nagmula sa isang birthday greeting na ipinost ng kaibigan ng aktor na si Ashley So Chan. Ito ay muling na-upload sa TikTok ng isang user na naka-deactivate na ngayon, na nagdagdag ng malisyosong caption na “James Rumored BF” sa video.

Mukhang hindi naman apektado ang aktor sa kumakalat na tsismis at tila sinakyan pa nito ang trip ng ilang mga malisyosong netizens.
Ayon pa sa kanya, “Is true?”
Samantala, nilinaw naman ng fan page na James Reid – REIders na kaibigan at business partner ni James ang lalaki sa video. Siya ay si James Thomas.
Ayon sa fan page, “This has over 1M views with over 3M reach! James is very much amused by the reactions, we’re happy that you’re happy for his “new relationship” but sadly no, #JaJa is not true. James Reid and James Thomas have been very good friends for a while now, he is also his business partner at Brooklyn Industries Group, Pop Up Katipunan and Notorious Concepts.”

Samantala, kamakailan lamang ay ipinasulyap ni James sa kanyang mga tagahanga ang kanyang buhay sa Amerika. Umalis siya ng Pilipinas noong Pebrero para tuparin ang kanyang hilig sa musika.