Andrea Brillantes binati sina Seth Fedelin at Francine Diaz sa kanilang bagong teleserye

Magtatambal sina Seth Fedelin at Francine Diaz sa unang pagkakataon sa kanilang bagong teleserye sa Kapamilya network na “Dirty Linen,” at isa nga sa mukhang masaya para sa kanilang dalawa ay ang kontrobersiyal na aktres na si Andrea Brillantes.

Una nang inanunsyo ng ABS-CBN PR kahapon, May 17, ang magandang balita. Kaya naman, hindi naitago ni Seth ang kanyang kaligayan at ni-repost din sa kanyang Instagram account ang mga larawan nila ni Francine na kuha mula sa presscon.

Ayon kay Seth, “Maraming Salamat po sa Itaas at sa mga taong patuloy na naniniwala sa akin. Salamat din po sa mga Co Actor at Mga Direktor ko po dito na Magsisilbing Guro at mga kaibigan. Excited na po akong makasama kayo! @dreamscapeph, @abscbn, Maraming salamat po sa inyo!”

“At syemre Goodluck and Congrats sa atin @francinesdiaz.” Pagtatapos ni Seth.

Nagpahayag naman ng suporta sa dalawa si Andrea, ang ex-girlfriend ni Seth at dating ka-loveteam nang magpadala ito ng congratulatory message sa comments section.

Komento ni Andrea, “Congrats!! (heart, smiling face and sparkles emoji)”

Credit: Seth Fedelin/Instagram

Samantala, sa pamamagitan din ng kanyang social media account ay nagpasalamat din si Francine sa bagong proyektong ipinagkaloob sa kanya ng ABS-CBN.

“So grateful for another blessing and to be a part of the new teleserye “Dirty Linen”. Looking forward to be working with a stellar cast and brilliant directors! I’m so excited!”

“Maraming salamat sa tiwala and for giving me this great opportunity Sir @deo_endrinal , direk @direklauren and tita @cvvidanes.” Ayon pa kay Francine.

Kasama din sa cast sina Janice De Belen, Joel Torre, JC Santos, Christian Bables, Aubrey Miles, Susan Africa, Soliman Cruz, Jennica Garcia, CJ Navato, Xyriel Manabat, Raven Rigor, Ana Abad Santos, Rubi-Rubi, Veteran TV Host-actress na si Tessie Tomas, Nanding Josef at Epy Quizon.

Ang Dirty Linen ay mula sa direksyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay.

Maalalang binatikos ng ina at pinsan ni Francine si Andrea pagkatapos nitong i-deny na sinugod niya ito sa dressing room dahil kay Seth.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.