Angeline Quinto sasabak muli sa international concert scene: ‘I am back!’

Nagbabalik muli sa concert scene si Angeline Quinto. Nakatakda niyang sakupin muli ang entablado sa United States at Canada sa pamamagitan ng isang concert tour.

Inanunsyo ni Angeline sa kanyang social media accounts na ang concert tour ay gaganapin sa Setyembre at Oktubre, ilang buwan lamang matapos siyang manganak.

Ipinost ni Angeline ang kanyang teaser video kasama ang mga kapwa mang-aawit na sina Bugoy Drilon, Michael Pangilinan, at Daryl Ong, na makakasama niya sa nasabing concert tour.

Ayon pa sa Queen of Teleserye Theme Songs, “US and Canada, I am back! Join me and the Trending Vocal Trio Budakhel — Michael Pangilinan, Daryl Ong, and Bugoy Drilon in 10Q: The US and Canada Tour this September and October 2022. See you all mga Kababayan.”

Ang concert tour ay tila pagpapatuloy ng kanyang “10Q” concert series na minarkahan ang kanyang ika-10 anibersaryo sa industriya ng showbiz.

Samantala, kakapanganak lang ni Angeline noong April 27 sa isang baby boy na pinangalanan niyang Sylvio.

Share this article
Erie Swan