Pokwang at Andrew E, nag-krus ang landas sa Boracay

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nag-krus ang landas ng “certified Kakampink” na si Pokwang at ang “Uniteam” na si Andrew E sa Boracay. Nagpunta ang dalawa sampu na kanilang mga pamilya sa Boracay para magbakasyon.

Sa Instagram page ni Pokwang ay ibinahagi nito ang larawan ng hindi sinasadyang pagtatagpo. Masaya ring ibinahagi ng komedyante na walang tensyon sa pagitan nila ni Andrew E bagkus ay respeto diumano ang mas nanaig.

Ayon pa sa kanya, “Sa bandang huli, respect. Dito sa @twoseasonsphilippines naganap ang mapayapang gabi with @andrewe_dongalo nagkataon, nagkita kasama ang mga pamilya.”

“Thank you mareng @jenny_penaloza nag enjoy si tisay sa dinner nya.” Dagdag pa ni Pokwang.

Credit: Pokwang/Instagram

Si Pokwang ay kilalang masugid na tagasuporta nina Vice President Leni Robredo at Senator Francis “Kiko” Pangilinan, habang si Andrew E naman ay isa sa mga celebrity na nagkaroon ng importanteng parte sa mga campaign sorties nina presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio.

Ayon sa partial at unofficial tally ng Commission of Elections ay nanguna si Marcos na may 31 million votes laban sa 14 million votes ni Robredo.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.