Ivana Alawi, sabik na gawin ang “A Family Affair”

Ibinunyag ng vlogger at Kapamilya actress na si Ivana Alawi ang dahilan kung bakit niya tinanggap ang role na ibinigay sa kanya sa teleseryeng “A Family Affair.”.

Ang “A Family Affair” ay ang pinakabagong serye na pagbibidahan ni Ivana. Medyo mapangahas diumano ang role niya sa serye kasama ang kanyang apat na leading man na sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, at Jameson Blake.

Ito ang kanyang kauna-unahang serye ni Ivana na siya ang bida. Dati, siya ay na-cast para gawin ang “Ang Lihim Ni Ligaya” ngunit ang proyektong ito ay natigil dahil sa pandemya. Isa sa naging alalahanin noon ni Ivana ay tungkol sa pag-expose ng kanyang pamilya sa virus.

At ngayon na nagsimula na ang shooting para sa “A Family Affair,” ano nga ba ang dahilan kung bakit tinanggap ni Ivana ang role na ibinigay sa kanya?

Una na diumanong nakaramdam si Ivana ng pananabik nang unang iprinesenta sa kanya ang proyekto. Nang mabasa niya ang script ay nagustuhan diumano kaagad ni Ivana ang mga twist sa istorya. Hindi lang daw kasi drama ang mayroon ang kuwento kaya napa-oo siya na gawin ito.

Ayon sa report ng ABS-CBN, kumpiyansa diumano ang aktres na kahit anong teleserye ang gagawin niya ay sigurado daw na world-class ito dahil gawang ABS-CBN.

“Kapag gawang ABS, talagang class. Hindi ako nag-aalala sa itsura ko or sa story kasi kapag ABS, world-class talaga,” ayon pa kay Ivana.

Ang “A Family Affair” ay mula sa direksyon nina Jerome Pobocan at Raymund Ocampo.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.