LOOK: Kapamilya Celebrities Shine in Star Magic All-Star Games 2022

Nakiisa ang mga malalaki at baguhang artista ng Star Magic para sa pagsasagawa ng pinaka-prestihiyoso at taunang Star Magic All-Star Games.

Pinangunahan ng aktres na si Aya Fernandez ang pagbubukas ng programa sa pamamagitan ng isang panalangin, habang pinangunahan naman ng A-list star na si Daniel Padilla ang oath-taking ng mga atleta.

Credit: Star Magic/Facebook

Ito na ang muling pagbabalik ng star-studded sporting event dalawang taon matapos matigil ito dahil sa pandemya at pagsasara ng ABS-CBN.

Credit: Star Magic/Facebook

Kaya naman sobrang excited din ang mga fans na makita ang kanilang mga iniidolo na maglaro at maglaban-laban sa ilang mga sports. Katulad ni Daniel na nanguna sa paglalaro ng badminton.

Credit: Karla Estrada/Facebook

Samantala, nanalo ang It’s Showtime boys sa pangunguna ni Vhong Navarro laban sa Star Magic Boys na kinabibilangan nina Ronnie Alonte, Joao Constancia, Miko Raval , Donny Pangilinan, Paulo Gumabao, Elmo Magalona at RK Bagatsing, sa larong basketball.

Credit: Vhong Navarro/Facebook

Sa larong badminton ay nanalo naman ang tandem nina AC Bonifacio, at Darren Espanto laban sa puwersa ng iba pang pares, kabilang sina Sam Cruz at Gino Roque, Jane Oineza at RK Bagatsing, at iba pa.

Credit: Star Magic/Facebook

Naroon din sa Araneta Coliseum ang mga sikat na young stars na sina Andrea Brillantes, KD Estrada, Seth Fedelin, Alexa Ilacad, at Belle Mariano para aliwin ang mga fans.

Credit: Belle Mariano/Facebook

Ang Star Magic All Star Games ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng talent management ng ABS-CBN.

Share this article
Erie Swan