Alex Santos, tinawag na “unprofessional” at “bias” ng mga netizens

Binatikos ang Net 25 reporter na si Alex Santos ng mga netizens dahil diumano sa “bias” at “unprofessional” na pag-uulat nito tungkol kay Vice President Leni Robredo at sa kanyang mga anak na babae.

Naging trending topic sa Twitter ang dating reporter ng ABS-CBN at DZMM dahil diumano sa hindi patas na pagbabalita.

Panimulang birada ni Alex, “Mga anak ni outgoing Vice President Leni Robredo kulang nga ba sa pansin?” Si Robredo at ang kanyang tatlong anak na babae ay kasalukuyang nasa New York para dumalo sa graduation ng bunsong anak ng bise presidente na si Jillian.

Simula nang dumating sila sa Amerika ay laging ibanahagi ng pamilya Robredo ang kanilang mga aktibidad doon sa pamamagitan ng kanilang Instagram page. Pero dahil sa katayuan ni Robredo sa gobyerno ay palaging nagiging laman ng balita ng mainstream ang bawat galaw nito.

At mukhang ang dating sa Net 25 ay ginagawa lamang ito ng mga Robredo para mapag-usapan sa social media. Kaya naman para sa ilang netizens, ang ganitong klase ng pag-uulat ng isang brodkaster ay hindi dapat pamarisan.

Narito ang ilang komento mula sa Twitter:

Sabi @jmscbng, “Saw this on Tiktok. What kind of journalism is this?? Biased, unprofessional. Hindi na ito pagbabalita eh. VP @lenirobredo please file a case against this. Grabe na.”

“Ever wonder why Alex Santos was fired in Abs? Thats your answer. Bye.” Sabi naman ni @JeweslHRH

Komento ni @mackey_ilonggo. “I thought Alex Santos was a good guy. Basura.”

“D ako makapaniwala na magiging ganito si Alex Santos.” Ayon kay @mcFury613.

Banat ni @JmWyatt5, “

Komento naman ni @ResplendentCarl, “I used to admire Alex Santos when he was still with ABS. Ako pa nga assigned intern na nag-aabot ng scripts at tapes kapag mag-VO na siya sa newsroom. He was kind and very approachable, just like her then TVP Weekend co-anchor Bernadette Sembrano. Fast forward to present, anyare?”

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.