Joshua Garcia may nilinaw tungkol sa kanila ni Trina Guytingco

Nilinaw ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia ang real score sa pagitan nila ng Ateneo Lady Eagle na si Trina Guytingco.

Sa ulat ng PEP ay sinabi ni Joshua na magkaibigan lamang silang dalawa, katulad nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at iba pa.

Matatandaang pinag-usapan sa apat na sulok ng showbiz ang diumano’y romantikong namamagitan sa dalawa nang sabay mag-post sina Joshua at Trina sa social media tungkol sa pagdalo nila sa pagdiriwang ng kaarawan ni Kathryn sa El Nido, Palawan.

Paliwanag ni Joshua, “Tropa ko yun, barkada namin yun nila Daniel. Nagkataon lang siguro ‘nung time na ‘yun, partner-partner sila tapos parehas kaming single kaya parang tropa-tropa namin may pag-push.”

Misteryoso naman ang naging sagot ni Joshua nang matanong kung mayroon ba silang plano ni Trina na lumabas ulit.

“Hang out? Hindi pa uli, last namin El Nido. May mga plano kami pero hindi puwedeng sabihin,” ayon kay Joshua.

Binati naman ni Joshua si Trina, na bahagi ng Gilas Pilipinas women’s basketball team, sa pagkakapanalo ng gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games.

“Congratulations nga pala kay Trina. Nasa SEA Games siya ngayon, naglaro ng basketball,” ayon pa sa Kapamilya heartrob.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.