Alyssa Valdez may pakiusap sa nagkakalat ng tsismis tungkol sa kanila ni Kiefer Ravena

Hiniling ng volleyball star na si Alyssa Valdez sa publiko na iwasan ang paggawa ng mga kuwento at pagkakalat ng maling tsismis sa gitna ng diumano’y break-up nila ng longtime boyfriend na si Kiefer Ravena.

Dahil sa mga espekulasyon sa social media tungkol sa paghihiwalay ng dalawa ay naglabas ng pahayag ang handler ni Alyssa na V Management Group nitong Huwebes ng umaga, May 26, na humihikayat sa mga netizens na igalang ang pananahimik ni Alyssa.

Narito ang kanilang official statement:

“A lot of speculation has been made. We appreciate the concern, but this decision does not involve any other party. Let us avoid making up stories and spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private.”

“Thank you to all the fans who have loved and supported Alyssa through the years. We know you will continue to be there for her.”

“This will be the only time we will address this matter. We will not be entertaining any interviews or questions. Thank you for your understanding.”

Samantala, ni-retweet naman ni Alyssa ang official statement ng VMG Asia at sinabing, “Please avoid making up stories & spreading false rumors.”

Nakauwi na sina Alyssa at Kiefer noong Lunes matapos silang maglaro sa 31st Southeast Asian Games kasama ang women’s volleyball at men’s basketball national teams.

Nanalo si Kiefer at ang Gilas Pilipinas ng gold, habang si Alyssa at ang women’s national volleyball team ay hindi naman pinalad na makapag-uwi ng medalya.

Share this article
Erie Swan