Andrea Brillantes, may birthday message kay Ricci Rivero

Nag-post ng nakakakilig na Instagram tribute ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes para sa kanyang boyfriend na si Ricci Rivero, bilang pagdiriwang ng kanyang ika-24 na kaarawan.

Maaalalang nitong Abril lamang ay sinagot ng Kadenang Ginto star ng “yes” ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons star player nang hilingin nito na maging girlfriend si Andrea pagkatapos nilang manalo laban sa Far Eastern University (FEU). Nag-viral kaagad sa social media ang video ng kanyang proposal.

Dumalo naman ang celebrity couple sa 2022 Star Magic All-Star Games. Ginanap ang star-studded event sa Araneta Coliseum sa Quezon City noong May 22. Naglaro ng volleyball si Andrea kasama ang Star Magic Lady Spikers.

Credit: Facebook

Sa kanyang panayam kamakailan sa PUSH ay ibinahagi ni Andrea na halos ayaw niyang manood si Ricci sa kanilang laro. Nag-aalangan daw kasi siya dahil hindi naman talaga siya magaling maglaro ng volleyball.

Ayon kay Andrea, “Nandito lang ako for the fun of it. Andito lang ako para ma-experience kasi gusto ko lang talaga siyang ma-try. Ayoko talaga siya manuod kasi nahihiya ako pero sabi niya kasi, ‘It’s my turn naman na sumuporta.’

“Sabi ko sige kasi ayoko naman maging unfair na pag ako lang siya nag suporta. Masaya na nandiyan siya,” dagdag pa niya.

Si Ricci ay nagdiwang ng kanyang ika-24 na kaarawan noong Miyerkules, May 25. Ipinost ni Andrea sa kanyang social media account ang kanyang pagbati sa kanyang kasintahan. Nag-upload din siya ng mga larawan ng nobyo na may magandang sunset background.

Credit: Andrea Brillantes/Istagram

Ayon pa sa caption ni Andrea, “Happy Birthday,” na sinundan ng heart, butterfly at smiling face emojis.

“I love you” naman ang nakakakilig na komento ni Ricci sa mensahe ng nobya.

Credit: Andrea Brillantes/Istagram
Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.