Anne Curtis, mayroon nang 18 million Instagram followers

Panibagong milestone na naman ang naabot ng aktres na si Anne Curtis dahil mayroon na siyang 18 million followers sa social media site na Instagram. Dahil dito ay mas lalo pang tumibay ang kanyang status bilang “most followed Filipino personality” sa photo-sharing app site.

Noong Martes ay pinasalamatan ni Anne ang lahat ng kanyang mga followers habang ibinahagi niya ang isang larawan kasama ang kanyang baby girl na si Dahlia sa beach.

Ayon kay Anne, “Yippeeeeeee! Good morning to 18 million of you! Its kind of insane! I know I’m not as active as I used to be online and I know you all understand why, but thank you for the love nonetheless!”

Biniro rin ng aktres na mayroon siyang ibabahagi sa kanyang mga tagahanga bukas, May 27.

“Things are about to get crazy again real soon! Sharing something on Friday! Stay tuned!!” Dagdag pa niya.

Credit: Anne Curtis/Instagram

Dahil sa 18 million followers ni Anne ay mas lalo pa niyang pinatibay ang kanyang katayuan bilang pinakatanyag na Filipino celebrity sa social media. Siya rin ang most followed na Pinoy celebrity sa Twitter na may higit sa 14 million followers.

Noong nakaraang linggo ay inanunsyo ng ABS-CBN ang pagbabalik ni Kapamilya talent sa “It’s Showtime.”

Huling napanood si Anne sa “It’s Showtime” noong December 2019 dahil nag-maternity leave ito anim na buwan sa kanyang pagbubuntis.

Ipinanganak niya ang kanyang panganay na si Dahlia sa asawang si Erwan Heussaff noong March 2020.

Sa kabila ng kanyang matagal na pamamahinga sa ay paulit-ulit na tiniyak ni Anne sa kanyang mga tagahanga na babalik siya sa showbiz, partikular na sa “It’s Showtime.”

Share this article
Erie Swan