Hipon Girl at mga Binibining Pilipinas candidates, nagpasiklaban sa kanilang glam shots

Nagpasiklab si Herlene “Hipon Girl” Budol sampu ng mga kandidata ng Binibining Pilipinas sa kanilang silver themed official glam shots para sa beauty pageant.

Nakakasilaw ang kagandahan ng 40 kandidata ng Binibining Pilipinas sa kanilang iba’t ibang silver outfits na pinalamutian ng mga kristal, pati na rin ng mga silver headpiece, habang naka-pose sila sa harap ng isang metallic blue backdrop. Ang mga larawan ay ipinost sa Facebook page ng Binibining Pilipinas noong Lunes, Mayo 23.

Ang mga larawan ay kuha ng mga photographer na sina Owen Reyes at Raymond Saldana.

Narito ang naggagandahang glam shots ng mga kandidata.

Ito ay isang linggo matapos lumahok ang mga kandidata sa Binibining Pilipinas Grand Santacruzan sa Quezon City.

Ang mga dating titleholders na kasama sa event ay sina Miss International 2005 Lara Quigaman at Miss Globe 2021 Maureen Montagne. Naroon din sa Grand Santacruzan ang mga kasalukuyang Reyna ng Binibining Pilipinas na sina Hannah Arnold, Cinderella Faye Obenita at Samantha Alexandra Panlilio.

Apat ang pinag-aagawang korona ng mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2022, ito ay Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Grand International, Bb. Pilipinas Intercontinental at Bb.Pilipinas Globe.

Samantala, hindi pa inaanunsyo ng Binibining Pilipinas Charities Inc. ang petsa ng coronation night ngayong taon.

Share this article
Erie Swan