Hipon Girl, ipinasilip ang kanyang “pasarela walk” para sa Bb. Pilipinas 2022

Ipinasilip ni Herlene “Hipon Girl” Budol ang kanyang pasarela walk para sa Binibining Pilipinas 2022.

Si Hipon Girl ay isang komedyante, artista, at vlogger. Sinimulan niya kamakailan lamang ang kanyang journey bilang isang beauty queen. Isa siya sa 40 kandidata na naging semi-finalist ng Binibining Pilipinas 2022.

Ang Binibining Pilipinas Charities Incorporated ay magpapadala ng mga representative sa Miss Grand International, Miss Intercontinental, Miss Globe, at Miss International.

Ang 22-year-old celebrity ay kumakatawan sa Angono, Rizal. Sinabi rin niya na “autism awareness at detection” ang kanyang magiging adbokasiya sa kompetisyon.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Herlene na hindi niya maiwasang maging emosyonal matapos mapabilang sa top 40 ng pageant. Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa mga taong nasa likod niya at walang sawang tumutulong sa kanya.

Bago pa man siya sumabak sa Binibining Pilipinas ay pinayuhan si Herlene ng sikat na TV host na si Willie Revillame na magpakatotoo sa sarili. Sinabihan din daw siya nito na gamitin ang wikang Pilipino sa pageant para mas maintindihan siya ng manonood.

Sa isang post sa kanyang Instagram account noong Huwebes, May 26, ay ipinasilip ni Hipon Girl sa kanyang mga tagahanga ang kanyang pasarela walk.

Ayon sa kanyang caption: “Mga Hiponatics, eto yung basic rampa ni Hipon girl nyo. Malapit ko na e reveal ang pangalan ng signature walk ko!!”

Nauna nang sinabi ni Herlene na nais niyang makuha ang korona ng Miss Grand International. Hindi pa naman inaanunsyo kung kelan saan ang venue ng coronation night.

Share this article
Erie Swan