Joey de Leon, hinulaan kung sino ang susunod na presidente pagkatapos ni BBM

Ibinahagi ni Henyo Master Joey de Leon ang kanyang saloobin kung bakit si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang nanalong presidente at kung sino ang posibleng sumunod pagkatapos ng kanyang termino.

Kilala si Joey sa pagiging palabiro pagdating sa kanyang mga caption sa social media, bagama’t minsan ay nagiging kontrobersyal ang mga ito.

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Joey ang isang collage nina BBM at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na kuha noong kanilang proklamasyon.

Credit: Joey de Leon/Instagram

Tanong ni Joey sa kanyang caption: “Bakit si BBM Presidente ngayon?”

Sagot niya, “Kasi after DU30, yung may 31 naman!” Ang DU30 ay isang tanyag na palayaw para kay outgoing President Rodrigo Duterte. Nakakuha si BBM ng 31 milyong boto noong May 9 elections.

Pagkatapos nito ay ibinahagi ni Joey ang kanyang hula tungkol sa kung sino ang susunod na presidente pagkatapos ng termino ng BBM.

“After that DU30 TOO! Gets?” Sabi pa niya. Nakakuha naman ng 32 milyong boto si Inday Sara.

Credit: Mayor Inday Sara Duterte/Facebook

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang post na ito ni Joey mula sa kanyang Instagram followers. Pinuri ng ilang netizens at celebrities kung paano ibinahagi ni Joey ang kanyang saloobin tungkol sa resulta ng halalan sa paraang nakakatawa.

Ayon kay Toni Gonzaga, “OG Henyo.”

Credit: Joey de Leon/Instagram

Meron namang nagsabi na baka ma-cancel siya kagaya ng ilang celebrities na sumuporta sa kandidatura ng BBM-Sara tandem.

Bago ito ay nagpost ang Henyo Master ng larawan na binabati at kinakamayan ni Senate President Tito Sotto si BBM.

Ayon sa kanyang caption: “Our new President Bongbong and the Senate President of bang @bangshang7! Bumabati si BBM para sa Eat Bulaga sa kanilang pang WALONG Pangulo na na dinadaanan! Wow!”

Sinuportahan ni Joey, kasama ang EB Dabarkads ang kandidatura ni Sen. Sotto na running mate ni Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.