Si Anji Salvacion ang big winner ng ‘Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10’

Ang “Singing Sweetheart ng Siargao” na si Anji Salvacion ang itinanghal na big winner ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.” Tinalo niya ang apat na iba pang katunggali sa tatlong ‘kumunities.’

Isang landslide nga ang naging panalo ni Anji na nakakuha ng 40.42 percent ng pinagsamang “vote to save” at “vote to evict.” Nanalo siya ng cash prize na P2 million.

Credit: ABS-CBN Entertainment/Youtube

Nakakuha ng 18.20 percent ang “Bubbly Boss Lady ng Leyte” na si Isabel Laohoo bilang 2nd big placer at nanalo ng P500,000. Ang “Bread-Queen-ner ng Palawan” naman na si Samantha Bernardo ay nakakuha ng 16.28 percent bilang 3rd big placer at nag-uwi ng P300,000.

4th big placer ang “Traveling Wonder Lad ng Laguna” na si Rob Blackburn na nakakuha ng 4.01 percent at nag-uwi ng P200,000, habang ang “Fun-Along Comedian ng Cagayan de Oro” na si Brenda Mage ay nakakuha ng 1.91 percent bilang 5th big placer at nag-uwi ng P100,000.

Credit: ABS-CBN Entertainment/Youtube

Isa si Anji sa top 2 housemates ng kani-kanilang PBB edition at bumalik sa loob ng “Bahay ni Kuya” para makakuha ng pwesto sa Final 5.

Umabante si Anji sa huling leg matapos mapanalunan ng kanilang edisyon ang tiebreaker ng kanilang “Kumunitest.”

Share this article
Erie Swan