Donita Rose, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

Nakatakda nang ikasal ang aktres na si Donita Rose sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Felson Palad.

Inanunsyo ni Donita ang kanilang engagement sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ngayong araw, May 30. Nagpost siya ng larawan nilang dalawa ni Felson na magkayakap habang suot niya ang kanyang engagement ring.

Ayon sa caption ni Donita: “Am now officially engaged!”

Napuno naman ng mga congratulatory message mula sa kanyang mga kasamahan sa showbiz ang comment section ng post ni Donita. Kabilang sa mga bumati ay sina Ruffa Gutierrez, Gelli de Belen, Ruby Rodriguez, Vina Morales, at Iza Calzado.

“You finally told the world!! Congratulations, girl!! You beat us all to it!!” ayon kay Ruffa.

Credit: Donita Rose/Instagram

Sabi naman ni Gelli, “Wowwwwww Congratulations Barbiedoll!!!! So happy for you.”

Credit: Donita Rose/Instagram

“Oh wow!! Congratulations. Happy for both of you as im a witness how it all started.” bati naman ni Ruby.

Credit: Donita Rose/Instagram

Tila matagal nang alam ni Vina na engaged na ang kaibigan.

Ayon sa kanya, “Yun ohhhhhh. We kept our mouth shut hahaha congratulations again. We are happy for both of you.”

Credit: Donita Rose/Instagram

“Best wishes, Ate D!” sabi naman ni Iza.

Credit: Donita Rose/Instagram

Si Felson ang unang public relationship ni Donita mula nang maghiwalay sila ng ex-husband na si Eric Villarama noong 2016.

Umalis ng bansa si Donita noong 2020 para pumunta sa Amerika kung saan siya ngayon ay nagtatrabaho bilang isang chef sa California.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.