Heart Evangelista, umeksena sa Cannes Film Festival

Pasabog ang unang pagdalo ng aktres na si Heart Evangelista sa Cannes Film Festival dahil sa kanyang mga kabogerang fashion moments.

Hindi nagpakabog si Heart sa bawat event na dinaluhan nito French Riviera dahil sa kaniyang mga bonggang OOTD. Iba’t ibang fashion look lang naman ang ipinakita ni Heart sa Cannes.

Sinimulan ni Heart ang kanyang fashion moment sa Cannes suot ang sopistikadong itim na gown na gawa ng London-based designer na si David Koma.

Ayon pa sa kanyang caption: “When the sun hits perfectly.”

Credit: Heart Evangelista/Instagram
Credit: Heart Evangelista/Instagram

Kilala sa pagpo-promote ng mga Filipino designer si Heart kaya naman ang sumunod niyang outfit ay ang orange na tulle na pang-itaas ni Cheetah Rivera na may agaw-eksenang bow at ipinares ito sa isang denim jeans.

Credit: Heart Evangelista/Instagram
Credit: Heart Evangelista/Instagram

Lumutang naman ang ganda ng Kapuso actress para sa kanyang pangunahing red carpet look. Suot kasi nito ang isang flaming sculptural red couture gown ng Lebanese-Italian fashion designer na si Tony Ward.

Credit: Heart Evangelista/Instagram
Credit: Heart Evangelista/Instagram
Credit: Heart Evangelista/Instagram
Credit: Heart Evangelista/Instagram

Dumalo rin si Heart sa AMFAR Gala Night suot ang isang art-deco gown ng designer na si Hamda Al Fahim.

Credit: Heart Evangelista/Instagram

At para sa kanyang panghuling pasabog ay isinuot ni Heart ang napakagandang Tony Ward couture ball gown sa kulay na aqua. Nagsuot din siya ng mga alahas mula sa The Messika ng Kate Moss High Jewellery Couture collection. Inirampa ni Heart ang marangyang ball gown habang dumalo siya sa screening ng French movie na “Mother And Son (Un Petit Frere)” sa Palais des Festivals sa Cannes sa France.

Credit: Heart Evangelista/Instagram

Samantala, kilala rin si Heart sa kanyang pagiging pilya, kaya naman dinala niya ang kanyang couture gown sa beach at doon umeksena. Sobrang editorial ng mga larawang kuha ng fashion at celebrity photographer na si Nicolas Gerardin.

Ayon pa sa caption ni Heart, “When they give you the wrong address of the party.”

Credit: Heart Evangelista/Instagram

Ang Cannes Film Festival ay isang taunang film festival na ginaganap sa Cannes, France, na nagpapalabas ng mga bagong pelikula sa lahat ng genre, kabilang ang mga dokumentaryo, mula sa buong mundo.

Share this article
Erie Swan