Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ginulat ang Thai tour guide sa kanilang totoong ugali

Nagulat ang Thai tour guide nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang tunay na personalidad at pag-uugali.

Para sa kanilang ika-sampung anibersaryo ngayong taon ay pumunta ang real-life couple sa Thailand kasama si Alora Sasam na nagkwento naman tungkol sa kanilang naging biyahe.

Credit: Kathryn Bernardo/Facebook

Pag-amin ni Alora, nagulat ang kanilang tour guide nang malaman na sobrang sikat nina Kathryn at Daniel sa Pilipinas. Hindi mo diumano sila makikitaan ng pagmamataas kahit na superstar ang kanilang celebrity status.

Ayon sa kanya, “Chika ko na lang din ano sinabi ni Beer sa akin habang pinagmamasdan kayo magka-holding hands at binibiro ni Dj si Kath na uwi siya sa hotel at matutulog habang lambing na sisimangot si Kath sabay sabing “Sige Daniel…”

Credit: Kathryn Bernardo/Facebook

Binanggit din niya ang mga simpleng bagay at simpleng kilos ng kabaitan ng Kathniel. Mula sa pagbili ng mga pagkain o buko juice sa gilid ng kalsada hanggang sa kung paano nila gustong isama ang tour guide habang kumakain.

Dagdag pa ni Alora, “Hindi raw makapaniwala si Beer na superstars kayo sa Pinas. Napaka-normal niyo daw. Sabi ko yes, very down to earth. Hindi siya makapaniwala na ang mga pasahero niya ay napakasikat na loveteam sa Pinas pero nakikipagbiruan sa kanya. Gulat siya na bigla kayong bibili ng pagkain o buko juice sa gilid ng kalsada. Bumilib siya dahil isinabay siya kumain sa hapagkainan at may pa take-out pa damay ang jowa niya.”

Credit: Kathryn Bernardo/Facebook

Nagulat din daw ang tour guide nila kung paano binibigyang halaga ng dalawa ang mga elepante at kalikasan.

“Na amaze siya gaano niyo pinahahalagahan ang elephants. Dagdag ko nga dapat mabilis lang ang kilos pagkuha ng pics kasi ayaw ni DJ na mahirapan ang elephants. Na ang sarap pakinggan ng mga kwento at paglalahad niyo ng pagmamahal sa kalikasan.”

Credit: Kathryn Bernardo/Facebook

Pinuri naman ni Alora kung gaano kahuwarang anak sina Kathryn at Daniel sa kanilang mga inang sina Luzviminda Bernardo at Karla Estrada dahil sa kagandahang asal ng mga ito. Niyakap din daw ng dalawa ang kanilang tour guide bago sila umuwi.

“Mga huwarang anak talaga kayo ni Min at Karla. For sure nagulat nanaman yun si Beer dahil paghatid niya sa atin sa airport, walang pagdadalawang-isip na niyakap niyo siya. Proud akong tayo ang first Filipino clients niya at maganda ang unang opinyon niya sa atin mga Pinoy. Pero mas proud ako na may mabuting pagkatao ang napili kong mga kaibigan. Uulitin ko, mahal ko kayong dalawa. Happy 10th,” pagtatapos pa ni Alora.

Share this article
Erie Swan