Kim Atienza may reaksyon sa request ni Bongbong Marcos na ipagdasal siya

Nag-react ang beteranong TV host na si Kim Atienza sa kahilingan ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ipagdasal siya.

Pagkatapos ng proklamasyon ni BBM bilang ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas ay nagbigay ito ng pahayag tungkol sa kanyang mga tungkulin. Sa ulat ng GMA News ay hiniling ng incoming Chief Executive na ipagdasal siya dahil ang kanyang tagumpay ay tagumpay ng mga Pilipino.

Ayon kay BBM, “So, I ask you all, pray for me, wish me well. I want to do well for this country because when the president does well, the country does well.”

Ni-retweet ni Kuya Kim ang pahayag na ito ng incoming president. Nagbahagi din siya ng Bible verse na akma sa nasabing pahayag ni BBM.

“1 Timothy 2:1-2 – I urge, then, first of all, that petitions, prayers, intercession and thanksgiving be made for all people— for kings and all those in authority, that we may live peaceful and quiet lives in all godliness and holiness,” tweet pa ni Kuya Kim.

Umani naman ng samut-saring reaksyon mula sa mga netizens ang tweet na ito ng batikang TV host. May mga nagsabing sang-ayon sila sa sinabi ni Kuya Kim pero siyempre, may mga sumalungat din sa kanya, lalo na ang mga anti-Marcos.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“magdasal sya magisa nya… pinakinggan sya mg god nya diba? si satanas?” – @LivDunham83

Credit: Kim Atienza/Twitter

“I will pray that he pays the P203B estate tax and return the ill-gotten wealth the family has yet to return to the Filipino people.” – @babystepsparrow

Credit: Kim Atienza/Twitter

“Sorry Kuya Kim but I’d rather include our country and our people in my prayers instead of him.. I know God would understand me for doing that.” – @_gb84

Credit: Kim Atienza/Twitter

“He should have prayed and turned to God before he did what he did before during and after d elections. You reap what you sow.” – @AtPfizer

Credit: Kim Atienza/Twitter

Kasunod nito ay ibinahagi din ng batikang TV host ang isang news article tungkol sa kanyang naging reaksyon sa panawagan ni BBM. Sabi ni Kuya Kim, “Just doing what my Lord wants me to do.”

Dagdag pa niya, kahit na may mga taong maaaring hindi sumang-ayon sa kanya ngunit naniniwala pa rin siya na sinasabi sa kanya ng Panginoon na manalangin at parangalan ang mga nasa kapangyarihan.

Diin ni Kuya Kim, “You may or may not agree but we are to pray for and honor those who are put in power. The presidency is God ordained. If he succeeds, the country succeeds. If he fails, we all fail.”

Share this article
Erie Swan