Sobrang nag-enjoy ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa kanyang beach getaway sa isla ng Siargao kasama ang kanyang boyfriend na si Ricci Rivero.
Naging opisyal na magkarelasyon sina Andrea at Ricci matapos mag-propose ang basketbolista sa aktres pagkatapos ng laro nito sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na ginanap sa Mall of Asia Arena. Nag-viral sa social media ang video ng kanyang proposal.
Unang napabalita na nagkakamabutihan ang dalawa noong Pebrero matapos silang namataan sa isang restaurant sa Taguig. Mas umugong pa ang tsismis nang magpost sa social media ang “Huwag Kang Mangamba” actress na suot ang jersey ni Ricci.
Dumalo din sina Andrea at Ricci sa katatapos lang na Star Magic All-Star Games. Naglaro si Andrea ng volleybal kasama ang Star Magic Lady Spikers.
Sa nakaraang artikulo ay ibinahagi ni Andrea na halos ayaw niyang mapanood siya ni Ricci na naglalaro. Nag-alinlangan daw kasi siya dahil hindi siya magaling maglaro ng volleyball.
Ilang araw naman pagkatapos ng event ay pumunta ang celebrity couple sa Siargao.
Kitang kita sa mga larawan na ipinost ni Andrea sa socmed na nag-e-enjoy silang dalawa ni Ricci sa kanilang bakasyon. Ito ang kanilang unang beach trip bilang magkarelasyon.
Sunod-sunod naman na nagpost sa Instagram ang Kapamilya star ng mga larawan mula sa kanilang beach getaway kasama ang ilang kaibigan.
“Life lately,” ayon pa kay Andrea habang ikinabit ang #BangonSiargao.


Makikita sa isang larawan na ibinalandra ni Andrea ang kanyang magandang pigura suot ang 2-piece red swimsuit. Sa isang larawan naman ay makikita ang aktres at si Ricci na nakaharap sa mga pagkain para sa kanilang boodle fight.

