Moira Dela Torre pinagtaksilan ng asawang si Jason Hernandez, hiwalayan kumpirmado

Hiwalay na ang singer na si Moira Dela Torre at si Jason Hernandez na isa ring mang-aawit, ito ay pagkatapos ng tatlong taon nila bilang mag-asawa.

Ayon sa orihinal na anunsyo ni Jason: “It is with a heavy heart that after three years of marriage, we announce that we are parting ways. Our love and respect for each other. We request for privacy during this difficult time .”

Credit: Jason Hernandez/Facebook

Nagpaliwanag pa si Jason sa caption ng orihinal na post tungkol sa anunsyo at tinawag itong isa sa pinakamahirap na bagay na kailangan niyang isulat ngunit gusto pa rin niyang maging transparent sa kanilang mga tagahanga.

Ayon sa kanya, ” This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me.”

Ibinunyag din niya na nagtaksil siya kay Moira kung kaya’t minarapat niyang ipagtapat ito sa asawa. Inaako niya din daw diumano ang responsibilidad sa kanyang pagkakamali.

“3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage. I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path.”

“I take full responsibility and I’m doing my best to be better. From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi,” dagdag pa ni Jason.

Ibinahagi din ni Moira ang post ni Jason sa kanyang sariling Facebook account ngunit wala itong kahit anumang caption.

Noong nakaraang Abril ay mabilis na napansin ng mga netizens na tinanggal ni Moira ang lahat ng larawan at video ni Jason sa kanyang Instagram at TikTok account, na nagdulot ng tsismis ng kanilang hiwalayan.

Share this article
Erie Swan