Hiwalayang Moira Dela Torre at Jason Marvin, may masakit na aral na inihatid sa mga netizens

Simula nang inanunsyo ng reyna ng mga “hugot songs” na si Moira Dela Torre at ang kanyang asawang si Jason Marvin Hernandez ang kanilang paghihiwalay ay bumaha na ang iba’t ibang reaksyon ng mga netizens sa social media.

Nag-umpisa bilang matalik na magkaibigan na humantong sa ayon sa iba ay “marriage made in heaven.” Sila ang mukha ng perpektong relasyon dahil nasa sentro ng kanilang pagsasama ang Panginoon. Ang inakala ng karamihan na matibay na relasyon ay ginulat ng pag-amin ni Jason na pinagtaksilan niya si Moira. Kaya naman, nadurog ang puso ng karamihan na naniniwala na mayroong “forever.”

Kakatwa dahil hindi ito isang bagong breakup song mula kay Moira, ito mismo ay ang kanilang paghihiwalay. Sa katunayan ay doble ang naging epekto sa mga netizens dahil una ay kinumpirma ng kanilang paboritong couple na sila ay hiwalay na at pangalawa ay ang pag-amin ni Jason kay Moira na nangaliwa ito.

Sa isang nakaraang artikulo ay kumalat ang mga tsismis tungkol sa kanilang paghihiwalay online. Pero iginiit ni Jason sa isang social media post na malinaw na kasal pa rin sila ni Moira. Dagdag pa niya, hindi nangaliwa si Moira, iisang presidente ang sinusuportahan nila, at walang nakawan ng pera ang naganap.

Sa kumpirmasyon ng paghihiwalay nina Moira at Jason pagkatapos ng tatlong taon ay maraming mga netizens ang nagkaroon ng mga opinyon tungkol sa pag-ibig at pagtataksil.

Narito ang ilang komento nila sa Twitter:

“Moira and Jason just proved that turning friendship into love is really never gonna work. It’s not worth the risk.” – @demonyokajane

“imagine Jason knew all of Moira’s traumas and yet he still chose to break her heart. What a scary world we live in. If this is love, i don’t want it.” – @CrisostomoKath

“Hoy, Moira and Jason’s marriage made me realize na breaking up is better than staying in a relationship where you both know you are not happy, even a “god-centered relationship” pa kayo at Kahit halos perfect na kayo sa ibang tao.This time, Moira’s heartbreak songs hits different.” – @arkcarlly

“We thought perfect relationship does exist. Marriage is really not a guarantee after all. Cheating is purely and will always be a fucking choice. Brace for Moira’s most heartbreak song.” – @triddlejoe

“i don’t believe that jason genuinely loved moira. perhaps he was just in love with her.. but that love wasn’t enough for him to stay faithful. temptation is everywhere but u won’t get tempted if you’re really committed to ur partner. the love u have for her will always be enough.” – @imyoursjennie

“People shouldn’t commend Jason for telling Moira the truth. Cheating in the first place is wrong, wag natin icondition minds natin to stick with the bare minimum.” – @BrentRevilla

“Really looked up to Jason and Moira’s marriage since they’re both Christians, yet they also failed. This just proves that even the person we look up to will fail us. The only one who wouldn’t and will always continue to build and better us is… Christ. May they be healed.” – @vymanzano_

“With what happened between Moira and Jason, here’s a reminder that cheating is not part of a relationship’s ups and downs. Never normalize cheating.” – @tantamcolauraaa

“Little did Moira know, all the heartbreak songs she made were really all for her.” – @SamLySizzies

Ang intimate wedding nina Moira at Jason ay ginanap sa Tagaytay kung saan dinaluhan ito ng star-studded guest na nakasaksi sa kanilang kauna-unahang halik.

Sakto din ang kanilang vows at ang musika. Ang pagiging singer at songwriter ng dalawa ay kabilang sa mga pinakamalaking bagay na nagpatibay sa ugnayan nila noon. Sabay silang sumulat ng mga awit ng pag-ibig na tumagos sa ating mga puso.

Ngunit ngayong naka sentro ang atensyon ng lahat sa paghihiwalay nina Moira at Jason ay mas lalo pa diumanong naging mas makabuluhan ang “hugot songs” na ginawa nila.

Ayon pa sa isang netizen, “PAUBAYA by moira hits different from now on.”

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.