Andrea, Belle, Alexa, Charlie, Jayda, Francine nagsama sa isang Mega cover

Habang ipinagdiriwang ng Star Magic ang ika-30 taong anibersaryo nito ay ginawa namang mga cover girls ng fashion magazine na Mega ang pinakamagaganda at pinakasikat na mga young stars ng talent agency para sa June 2022 issue.

Pinangunahan ng mga artistang sina Andrea Brillantes, Francine Diaz at Belle Mariano ang editorial cover kasama sina Alexa Ilacad, Jayda Avanzado at ang award-winning ctress na si Charlie Dizon.

Ayon pa sa caption ng Mega: “The next breed of stars is here—constantly evolving, powering through, and becoming greater by the day.”

Credit: Mega/Instagram

Ang anim na Kapamilya stars ay nagkwento rin tungkol sa kanilang karanasan bilang bahagi ng Star Magic na nagpasimula ng karera ng maraming magagaling na bituin sa industriya tulad nina Claudine Barretto, Bea Alonzo, Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, at Piolo Pascual.

Ayon kay Francine, “For me, ang dami ko na napanood na artistang talagang alaga ng Star Magic. At hanggang ngayon, kapag nakikita ko sila, masasabi mong inalagaan ’tong mga artista na ’to. ’Di sila pinabayaan.”

Credit: Mega/Instagram

Ikinuwento naman ni Belle, na isang dekada nang nasa pangangalaga ng talent agency, kung gaano katutok ang Star Magic sa kanilang mga artista.

“What made me want to join Star Magic is that they always strive for excellence. Here, there are workshops na talagang bantay sila sa ’yo. Plus, the people within your environment also make you want to improve and learn. It’s just what I like.”

Malayo na nga ang narating ng talent agency ng ABS-CBN mula nang magsimula ito noong 1992. Binuo ang Star Magic ng dating executive ng ABS-CBN na si Freddie M. Garcia at ng TV direktor na si Johnny Manahan. Nagsimula ito bilang “Talent Center” bago pinalitan ng pangalan bilang Star Magic noong 2004. Hindi rin magiging posible ang tagumpay ng Star Magic kung wala ang dating Star Magic head na si Mariole Alberto.

Share this article
Erie Swan