Tom Rodriguez, matalinhaga ang post kasunod ng tsismis na paghahain ni Carla Abellana ng annulment

Nagbalik sa social media ang aktor na si Tom Rodriguez kahapon, Hunyo 1, at nagpost ng isang misteryosong larawan ng isang taong kumawala sa pagkakagapos. Ito ay sa gitna ng mga tsismis na ang kanyang asawa na si Carla Abellana ay naghahanda na para sa pagpasa ng annulment ng kanilang kasal.

Wala namang caption ang nasabing larawan.

Credit: Tom Rodriguez/Instagram

Sa kasalukuyan ay sinusundan pa rin ni Carla si Tom sa Instagram, habang mukhang in-unfollow naman siya ng aktor.

Credit: Carla Abellana/Instagram
Credit: Tom Rodriguez/Instagram

Ito ay matapos ibulgar ng entertainment columnist na si Cristy Fermin sa kanyang YouTube vlog noong May 26 na naghahanda na si Carla ng mga dokumento para sa annulment. Samantala, sinabi ng kanyang co-host na si Rommel Chika na kasalukuyang nasa Amerika si Tom.

Enero pa lang ngayong taon ay umugong na ang tsismis tungkol sa hiwalayan nina Carla at Tom matapos mapansin ng mga fans na nag-unfollow ang dalawa, saka muling nag-follow sa isa’t isa sa Instagram. Nakita rin nilang hindi suot ni Carla ang kanyang wedding ring sa kanyang YouTube vlog noong Feb. 5. Sa kabila nito ay nagdeklara ng pagmamahal si Tom sa asawa noong Pebrero 11.

Ibinunyag naman ng ama ng aktres na si Rey “PJ” Abellana noong Marso sa Youtube vlog ni Cristy Fermin na talagang may problema ang kanyang anak at si Tom. Sinabi rin niya sa panayam na isang “one-night stand” ang dahilan ng problema ng mag-asawa, ngunit kalaunan ay binawi niya ang kanyang pahayag.

Ikinasal sina Carla at Tom noong Oktubre 2021, pagkatapos ng halos pitong taon na magkarelasyon.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring linaw kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nina Carla at Tom. Wala pa kasing hayagang pag amin ang dalawa tungkol sa isyu.

Share this article
Erie Swan